barcode,

Literary: Katahimikan

5/17/2017 09:16:00 PM Media Center 0 Comments





“Hindi na kita mahal”
Apat na salita
Pinakamasakit na mga kataga
Na dumurog sa aking puso

“Ayoko na”
Dalawang salita
Nagpapahiwatig na itigil na
Nagpapahayag na sumusuko na

“Paalam”
Isang salita
Tapos na
Wala na
Wala ka na

Kabisado ko pa
Ang mga salitang
Binitawan mo
Nang gabing
Nilisan mo ako
Ang tayo ay muling naging ikaw at ako
Ang nagmamahal ay muling nag-isa

Pero natatandaan mo ba
Ang tanging isinagot ko sa iyo?

Patlang
Wala
Blanko

Patlang na lang ang tanging makikita sa aking mukha
Wala nang mabigkas pa maski isang salita
Blanko ang nararamdaman ng aking puso at isipan

Pero masasabi kong
Ang katahimikan na isinagot ko sa iyo
Ay mas masakit pa sa “Hindi na kita mahal”
Ay mas mapait pa sa “Ayoko na”
Ay mas higit pa sa “Paalam”


Ang nakakabinging katahimikan ko
Ang tanging maigaganti ko sa iyo
Ang huling bagay na ibibigay ko sa iyo

Ang tangi at huling bagay na nararapat para sa iyo


You Might Also Like

0 comments: