carlos laderas,

Sports: 7 Payo Mula at Para sa mga Student-Athlete

5/02/2017 09:04:00 PM Media Center 0 Comments



Photo Source: Repsly

Matapos ang walong oras ng paghahanap kay X, pag-aaral sa walang katapusang mga pagsusulit, at paggawa ng iba’t-ibang homeworks at projects, hindi pa dito natatapos ang isang araw ng student-athlete. Kailangan pa nilang maglaan ng oras para sa kanilang mga ensayo. Kadalasan, apat na beses sa isang linggo mag-ensayo ang atleta, iba pa kung malapit na ang UAAP season kung saan puspusan silang nag-eensayo araw-araw, maliban na lamang tuwing Linggo. Ang mga ito’y siguradong nakakapagod sa parehong pisikal at mental na kalusugan nila. Bilang mga katulad ninyong student-athlete, narito ang ilang payo upang masigurong walang masayang na oras at matupad ang mga tungkulin ninyo bilang isang estudyante at isang atleta.

1. Bawasan ang oras sa gadgets

Kaunti na lang ang oras na natitira sa isang araw ng mga student-athlete kaya hindi na ito maaaring sayangin. Maaring ang paggamit ng gagdets ang kanilang paraan para magpahinga at makapag-relax, ngunit hindi ba’t mas magandang ilaan ang oras sa ibang mga bagay? Sa ilang oras na ginagamit sa paglalaro ng gadgets, maaaring natapos mo na ang mga takdang-aralin mo.

2. Huwag sayangin ang weekend

Madalas walang weekend ang mga atleta dahil mayroong silang laro o ensayo. Kaya naman, kapag nagkaroon ng libreng weekend mas mainam magpahinga na lang o maging produktibo. Maari rin itong gamitin bilang pag-catch up sa mga oras na di nila nakasama ang kanilang mga kaibigan at pamilya.

3. Matutong humindi

Hindi naman masamang humindi. Sa mga pagkakataong gusto mong magpahinga o kaya wala kang oras para sa ibang mga bagay, hindi masama na tumanggi ka. May mga panahong hindi na muna tayong dapat sumama sa mga lakad ng barkada at sa halip, gamitin ito para sa sarili upang makapagpahinga kahit saglit o sandali lamang.

4. Gumawa ng time table

Bago pa lamang ang mga inaasahan mong mga dapat gawin, pang-akademiko man o para sa kompetisyon, dapat ay naayos mo na ang iyong schedule. Kailangang maglaan ng sapat oras para sa mga bagay na kailangang tapusin.

5. M I N D S E T

Matutong magmindset. Isipin kung ano ba talaga ang ninanais mo at planuhin kung papaano mo maabot ang mga iyon. Sa ganoong paraan, magiging mas determinado at pursigido ka na gawing posible ang noo’y imposible para sa’yo.

6. Planuhin ang mga takdang-aralin

Maglaan ng isang maliit na notebook para gawing isang to-do-list, doon isulat ang lahat ng requirements at takdang-aralin na ibinibigay. Planuhin kung kailan mo ito balak gawin, bigyan ng eksaktong oras, at matutong disiplinahin ang sarili para masundan ang plano. Bigyang importansiya ang bawat minutong meron ka.

7. “Health is wealth”

Ang pagpuyat ay maaaring maging sanhi ng isang hindi magandang performance sa iyong laro at pag-aaral. Ugaliing matulog nang maaga at gumising nang maaga upang masimulan mo nang produktibo ang iyong araw. Sa kabilang dako, hindi nga masama ang magpahinga, ngunit hindi rin pwedeng puro pahinga lamang. Siguraduhin na bago pa man tamaan ng antok ay nagawa mo na ang mga hindi mo kayang gawin kinabukasan.

Ang mga payong ito ay hindi lamang para sa mga student-athlete, para na rin ito mga estudyangteng nahihirapan i-balance ang pag-aaral at ang iba nilang mga gawain. Ika nga nila, madaling magsalita, mahirap gumawa. Kami mismo ay aminadong hindi namin minsan nasusunod ang sarili naming mga payo. Ang kailangan lamang ay laging isaisip ang mga salitang disiplina at dedikasyon! //nina Fiel Delos Reyes, Dane Jamandron, at Carlos Laderas

Sources:
http://www.lhsaa.org/news/the-huddle/time-management-tips
https://www.css.edu/the-sentinel-blog/time-management-tips-for-student-athletes.html



You Might Also Like

0 comments: