beca sinchongco,

Mga Isko at Iska, hinikayat na manindigan para sa karapatang pantao

5/16/2017 08:00:00 PM Media Center 0 Comments


Idinaos ang UPIS Parangal 2017 sa UP National Institute for Science and Mathematics Education Development (NISMED) Auditorium noong Mayo 5.

“Iskolar ng Bayan, Manindigan para sa Karapatang Pantao” ang naging tema ng Parangal sa taon na ito. Nagbigay ng talumpati si Prop. Ranjit Singh Rye na isang propesor ng Political Science sa UP Diliman College of Social Sciences and Philosophy at alumnus ng UPIS. Si Prop. Rye ay kabilang sa Batch 1988.

Sa kaniyang pahayag, ibinahagi niya ang kaniyang mga naging karanasan sa panahon ng Martial Law. Nag-iwan rin siya ng hamon sa mga mag-aaral na manindigan at makibahagi sa pagbabago sa bayan.

PAGHIMOK. Ibinahagi ng panauhing tagapagsalita na si Prop. Ranjit Singh Rye ang kaniyang mensahe sa mga mag-aaral ng 7-11. Photo Credit: Media Center 

Tumugon naman sa paunang talumpati si Wenona Dawn Catubig, Huwarang Mag-aaral ng Grado 10. Binigyang pansin ni Wenona ang kahalagahan ng pagiging mulat sa mga isyung panlipunan gaya ng extrajudicial killings at kung paano nito nilalabag ang ating karapatang pantao. Isinalaysay din niya ang mga karanasan niya tungo sa pagkamit ng kaniyang parangal.

Isinagawa rin sa parehong araw ang pagbibigay ng parangal sa mag-aaral sa K-2 at Grado 3-6.//nina Enzo Bautista, Cedric Jacobo at Beca Sinchongco

You Might Also Like

0 comments: