anak,
Narito ako upang sa wakas ay masabi ko
Ang mga mahahalagang salitang kinikimkim ko
Na dito sa aking puso’y matagal nang nagtatago
Sana’y makarating sa babaeng pinakamamahal ko
May tatlong bagay akong nais sabihin
Sa babaeng nagluwal sa akin
Sa babaeng naghirap para sa akin
At sa babaeng patuloy na nagmamahal sa’kin
Patawad.
Patawad sa aking bawat pagsuway
Sa utos mong bumili ako ng tinapay
Maghain, magwalis, at kunin ang sinampay
Ayaw ko. Sabi ko kay inay
Patawad sa aking bawat pagdarabog
Sa mg autos mo’y nagkukunwari akong tulog
Pero kapag ako na ang humiling sa iyo
Sa aking pagdilat ay nariyan na sa tabi ko
Patawad sa aking bawat pangungurot,
Pananakit at aking pananabunot
Mabili lamang anglaruang minimithi ko
Ikaw pala ay nagkandahirap nang husto
Salamat.
Salamat sa iyong dali-daling pagtakbo
Upang sa anak ay sumaklolo
Iiwan ang anumang ginagawa
Itatayo ako mula sa kinasubsubang lupa
Hihipan at hahalikan moa ng sugat na natamo ko
At unti-unting mawawala ang mga luha sa mata ko
Yayakapin mo ako ng pagkahigpit-higpit
Hanggang ang sugat ay tumigil na sasakit
Salamat sa iyong paggising ng maaga
Upang lutuin ang alumusal namin ni ama
Kahit ikaw ay pagod at puyat pa
Gigising ka’t magluluto sa umaga
Salamat sa iyong paghahatid sa akin sa eskwelahan
Pagbibitbit ng mabigat kong bag sa iyong likuran
Ihahatid mo ako hanggang sa may pintuan
At umiiyak naman ako sa tuwing ika’y lumisan
Mahal kita.
Dalawang salitang hindi ko mabibigkas-bigkas
Sa araw-araw nating pag-uusap, sa bibig ko’y bihirang lumalabas
Pero ngayon, masasabi ko na rin sa wakas
Na mahal na mahal kita, ilang taon man ang lumipas
Hindi ko lubos maisip na maaaring dumating
Ang panahon na mawawala ka sa aming piling
Kailanma’y di matatanggap ng puso ko
Na wala na babaeng pinakamamahal ko
Bubuhos ang luha sa aking mga mata
At hinding-hindi titigil hangga’t hangga’t di ka nakikita
Mga hagulgol ko’y sinlakas ng mga kulog
At hinding-hindi ako mahihimbing sa’king pagtulog
Kaya’t mamahalin kita na para bang wala nang bukas
Akin kitang yayapusin sa bawat sandaling lilipas
Inay, nanay, ina, mama, ano pa mang tawag ko sa’yo
Ikaw, ang babaeng pinakamamahal ko
Literary (Submission): “Para Sa Babaeng Pinakamamahal Ko”

0 comments: