filipino,
100% “Best friend messaged you.”
“Best friend tagged you in a photo.”
“Best friend shared a post with you.”
“Best friend mentioned you in a tweet.”
“2 new messages from Best friend.”
“1 missed call from Best friend.”
Simula Grade 4, tayong dalawa na ang palaging magkasama kahit na ayaw natin sa isa’t isa. Magkaklase na nga tayo, magkaservice pa. Naalala ko pa, ayaw ko sa‘yo noon. Palagi mo lang akong inaasar. Sabi mo naman, ayaw mo rin sa’kin dahil napakaarte ko. Puro babae lang ang gusto kong kaibigan noon. Pero kahit papaano, naging magkaibigan pa rin tayo.
Ngayong high school na tayo, ang dami nang kailangang gawin pero mayroon pa rin tayong oras para magkamustahan at mag-usap tungkol sa mga nangyayari sa araw-araw nating mga buhay. Nagtatanungan ng “Okay ka lang?”, “Kaya mo pa ba?,” pero kahit hindi okay o kaya naman pasuko na, may sasagot pa rin ng “Okay lang ‘yan, nandito naman ako para sa ‘yo.”
88% “Best friend messaged you.”
“Best friend replied to your tweet.”
“1 new message from Best friend.”
“Best friend commented on your post.”
Grade 10 na tayo. Sabay-sabay na ang thesis, function, frog dissection at iba pang mga activities sa kanya-kanyang track. Magkaiba tayo ng track na kinuha kaya naman magkaiba tayo ng ginagawa. Ngayon, unti-unti ka nang nagiging busy dahil nag-aayos ka pa ng papeles mo para sa pagiging exchange student sa Japan. Matagal ko naman nang inasahan na makukuha ka kahit wala pang interview. Malaki ang tiwala ko sa galing mo.
74% “You messaged him.”
“You replied to his tweet.”
“You texted him.”
“You commented on his post.”
Kahit ako, naging busy na rin dahil malapit na matapos ang school year. Ang hirap magklase kapag summer na. Nasa school ang katawan, pero nagbabakasyon na ‘yung utak. Kaunting tiis na lang naman, makapagbabakasyon na rin kami. Kinakaya pa naman. Kahit siya, kinakaya pa. Kahit busy na, tuloy pa rin ang porma niya ng panliligaw sa kaibigan ko. Hindi ako boto sa kanila, pero doon siya masaya. Kaya, sige lang.
57% “Best friend is in a relationship.”
Sila na nung matagal na niyang nililigawan. Oo, sila na nung kaibigan ko. Sigurado niyan, bawas na naman ang oras niya para sa’kin. Magaling siyang magbalanse ng oras para sa acads at pagiging varsity pero hirap siyang maghanap at maglaan ng oras para sa mga taong malalapit sa kanya.
46% “You messaged him.”
Sinusubukan ko pa rin namang kausapin siya. Kahit minsan ayaw kong ipagpilitan ang sarili ko dahil mukhang wala naman na siyang oras para sa akin. Umaasa akong minsan na sana hindi ganoon ang iniisip niya at nag-aassume lang ako. Kahit pakiramdam ko, wala na akong halaga sa kanya.
35% “Best friend replied to her tweet.”
“Best friend tagged her in a post.”
“Best friend replied to your tweet.”
Nakikita ko namang sinusubukan niya akong kausapin. Pero hindi maiiwasan na may kahati ako sa oras niya bukod sa mga requirements niya. Hindi ko alam kung siya lang ba o talagang kapag pumasok sa isang relasyon ang isang tao, minsan pumapangalawa na lang ang mga kaibigan niya. Ganoon na nga, mas nauuna sa priority niya yung relasyon nila kaysa sa pagkakaibigan namin.
28% “Seen 11:12PM”
“Best friend liked your reply.”
Hindi ko na alam. Hindi ko akalaing aabot kami sa puntong hindi na kami nagpapansinan. Minsan, kapag nagkakasalubong kami sa corridor, hindi man lang kami nagbabatian. Kahit magkakasama ang mga kaibigan namin, parang hindi na kami magkakilala. Parang wala kaming pinagsamahan.
10% "Please connect the charger."
Wala na. Hindi na yata kailangan pang mag-connect ulit kasi sira na. Mukhang hindi na maaayos pa. Kahit ayusin, hindi na gagana. Kahit ilang beses naming subukang mag-usap, doon at doon rin ang balik, sa hindi pagkikibuan at hindi pagpapansinan. Mukhang wala na talaga.
1% Friendship Over
Hindi na kita kilala.
Literary: One Percent

0 comments: