feature,

Feature: Me, Myself, & I & Self Love

5/16/2017 08:25:00 PM Media Center 0 Comments



Ang pagmamahal ay hindi para lamang sa iba, meron ding para sa ating mga sarili. At siyempre bago ka magmahal ng iba, dapat matutunan mong mahalin muna ang sarili mo. Sabi nga nila, “you can’t give what you don’t have.” Sa kasamaang palad, marami sa ating nahihirapang magpahalaga sa sarili. Kung isa kayo sa mga ito, huwag magpa-stress at sundin lang ang mga sumusunod na payo:

1. Flaunt it.

Photo credit: https://www.google.com.ph/search?q=daehan+minguk+manse+laughing+gif&source=lnms&tbm=isc

Tandaan na hindi nakasalalay sa ibang tao ang katauhan mo. Hindi uso ang salitang insecure sa self-love. Huwag i-kumpara ang sarili sa iba, dahil lahat tayo ay may sari-sariling imperfections at mga problema. Kung deep kang mag-isip, kung tahimik ka, kung madaldal ka, kung masiyahin ka, lahat na ng adjective na meron ka, ipagmalaki mo! Wala kang dapat ikahiya sa kung sino ka man. Flaunt it, ipagmalaki mo kung sino ka!
Siyempre hindi rin uso sa self-love ang pagpigil sa self-love ng iba. Huwag gagawa ng mga bagay na makakaapak sa ibang tao, dahil hindi ito self-love, kundi ego. Ito ang magiging daan upang mabuo ang sarili, ang patuloy na self-discovery at pagiging willing to learn 24/7.

2. Cut it.

Photo credit: http://www.fanpop.com/clubs/korean-dramas/images/39974992/title/legend-blue-sea-fana

Hindi naman siguro maiiwasan ang mga taong “toxic” kung tawagin. Maaring nasaktan ka nila mapa-pisikal man o ‘di kaya emosyonal. Sila ang mga taong maaaring magdulot ng depression sa’yo o kaya maging sanhi ng pagkakaroon ng anxiety. Huwag nating hayaang humantong sa ganoon ang mga problema. Kaya nga mayroon tayong tinatawag na cut the cord, ang pag-putol ng koneksyon sa mga toxic na tao. Sa halip na sila ang isipin, pagtuunan mo nang pansin ‘yung mga taong nagbibigay ng kasiyahan sa’yo at alam mong mabubuting impluwensya. Kapag sila ang pinaggugulan mo ng oras, siguradong liligaya ka.

3. Accept.

Photo credit: https://www.google.com.ph/url?sa=i&rct=j&q=&esrc=s&source=images&cd=&ved=0ahUKEwjrrvWQuvHTAhUIEbwKHbS-ATEQjRwIBw&url=http%3A%2F%2Fsarangfan.tumblr.com%2Fpost%2F97047713364%2Fj2ster-her-smile-is-one-of-the-cutest-things&psig=AFQjCNEOHJg6DRXHkd5VEj1VStoyYwbs1A&ust=1494922357329152

Kung ang pagmomove-on sa isang relasyon ay may acceptance stage, ganyan din sa pagmamahal sa sarili. Dapat mong matutunang patawarin ang iba. Pagpapalaya ito sa iyong sarili mula sa mga bagay na nagdulot ng matinding sakit. Nagpapatawad ka dahil tinatanggap mo na ang mga nangyari, mabuti man o hindi. Gusto mo na lang ulit magsimula ng panibago kung saan wala kang iiwang pasanin mula sa iyong nakaraan. Sa kabila nito, alalahanin din na ang pagpapatawad ay hindi katumbas ng paglimot. Gamitin itong patunay na kaya mong lampasan ang anupamang pagsubok na darating sa iyong buhay.

4. Laugh it all out.
Photo credit: https://www.tumblr.com/search/kim%20bok%20joo%20gif

Ngitian at tawanan na lamang ang mga problema. Masakit, tawanan mo. Nakakaiyak, tawanan mo. Sabi nga “Laughter is the best medicine.” Ang pagtawa ay pinakamabisang pangunang-lunas, ngunit pansamantala lamang din. Ang mga problema ay dapat sinosolusyonan at hindi tinatakasan. Pinapaalala lamang ng pagtawa na maraming bagay sa buhay natin ang dapat pa ring ipagpasalamat, sa kabila ng mga problema. Bigyang-pansin at pasalamatan ang mga bagay na nagbibigay ngiti sa’yo. Mas maraming bagay ang nag-iiwan ng masasayang alaala.

Proud ka sa sarili mo. FLAUNT IT. Lumampas ka na sa boundaries mo. CUT IT. Nakaget-over ka na o naka move –on ka na. ACCEPT IT. Nasaktan ka. LAUGH IT ALL OUT. Ang self-love ay hindi pagiging narcissist. Isa itong pagkilala na kailangan mo rin ng pagmamahal at ng kaligayahan, tulad ng iba. Maliban sa pagmamahal na nakukuha mo sa ibang tao, mahalagang mahalin mo rin ang iyong sarli. Kaya sa lahat ng self-lovers out there, give yourselves a big hug! //ni Jaja Ledesma


You Might Also Like

0 comments: