cedric jacobo,
Inanunsyo ang resulta ng Halalan 2017 para sa Pamunuan ng Kamag-Aral (pKA) 3-6 at 7-10, at Year-Level Organizations (YLO) noong Mayo 16.
Nanalo ang lahat ng miyembro ng partidong KAmpilan para sa pKA 7-10, sa pamumuno ni Erika Sasazawa (Pangulo) at Magan Basilio (Pangalawang Pangulo), maliban sa posisyon ng tagapamahayag na walang kandidatong tumakbo.
Nanalo rin ang buong KApit-bisig para sa pKA 3-6 sa pangunguna ni Erwyn Aenas Vibal (Pangulo) at Patricia Niña Chua (Pangalawang Pangulo). Nanalo rin ang independent candidate na si Patricia Leguiab bilang kinatawan ng Grado 5.
Ang Senior Council (SC) sa susunod na taon ay pamumunuan ni Jana Neri (Pangulo) samantalang abstain naman ang naging resulta para sa mga posisyong ingat-yaman at tagapamayapa.
Lahat ng organisasyon ay may mga posisyong nanatiling bakante na siyang pupunuan sa susunod na akademikong taon na pangungunahan SC at Executive Committee ng UPIS.
Dalawang beses iniurong ang mga deadline ng pagpasa ng mga Certificate of Candidacy at mga interview dahil sa kakulangan ng mga kumakandidato. Nagkaroon din ng recount ng mga boto sa Grado 9 dahil sa void ballots ngunit hindi nito naapektuhan ang resulta.
Pormal na magsisimula ang panunungkulan matapos ang panunumpa ng mga nanalo sa darating na Agosto. // Nina Trisa de Ocampo, Hanzvic Dellomas, Cedric Jacobo at Forth Soriano
Resulta ng Halalan 2017, inanunsyo na

OPISYAL. Tinatala ng mga miyembro ng Senior Council at ilang volunteer mula sa Batch 2019 ang mga boto sa naganap na eleksyon noong Mayo 4. Photo Credit: Nicole Desierto |
0 comments: