feature,
Panatang makabayan iniibig ko…
Siya, siya lang po huhuhu. Ay joke.
Aking lupang sinilangan…
Business Letters. HRR. Happiness Song. Ugggh asan d’yan ang happiness?
...inaalay ko ang aking buhay, pangarap, pagsisikap, sa bansang Pilipinas.
Minsan sa buhay natin, lumipad na siguro mula Earth hanggang Jupiter ang more-often-than-not sleep-deprived nating mga utak. Natiyempuhan lang din sigurong sabaw ka noong umagang ‘yun, o kakatext lang ni crush ng “Good morning” kanina.
Focus kasi— diyan tayo madalas nadadali, lalo na kung ayaw na ayaw natin ang ginagawa natin. Siyempre madali lang palampasin ang pagkakulang sa focus kung walang nakakaalam. Malay ba nilang iniisip mo si crush habang flag, ‘di ba? Pero paano kung biglang nagpa-board work si Ma’am, tapos paglingon mo si crush pala ang kalaban mo? Last point na lang at umaasa sa’yo ang grupo mo para sa plus 2 sa quiz. Focus pa ba?
Kapag sinabing focused ang isang tao, ibig sabihin nakasentro ang atensyon niya sa isang stimulus. Nagutom ka, may pagkain, naglaway ka. Stimulus ‘yung pagkain sa paglalaway mo, at naka-focus sa pagkain ang atensyon mo.
Ang attention span daw ng utak ng tao ay parang spotlight, ayon kay Davis Strayer na isang cognitive psychologist sa University of Utah. “Our attention span is guided by our intentions,” sabi pa niya. Pwede nating luwangan ang focus ng spotlight para lumawak ‘yung sakop at kumalat ang ilaw. Pwede rin naman gawing concentrated ang focus nito sa isang bagay, para mas maliwanag at nakatutok talaga.
Ganito rin daw ang focus natin, at kaya natin itong kontrolin. Pero madalas, lalo na kung may automated systems tulad ng computers na tumutulong sa atin, mas pinipili ng ating brain cells na luwangan ang focus ng spotlight. For energy conservation purposes daw ito ng utak, para mabawasan ang stress levels at mas makapag-relaks tayo.
Pero paano kung ganito: Isa kayong spotlight operator ng malaking event, tapos nagpapanic na sinigawan kayo ng boss niyo na hanapin ‘yung kakarating lang na VIP at itutok ang ilaw sa kanya. Hindi ka prepared. Hindi mo inasahan ang paninigaw ng boss mo kaya kung saan-saan mo natapat ‘yung ilaw.
Sa ganitong sitwasyon, nalilito rin ang spotlight ng focus natin. Cognitive Tunelling— ‘yan daw ang mental glitch na nangyayari kapag nagpapanic tayo. Mula relaxed automation, nagiging panicked attention.
Kung tingin ninyo ay nabiktima na kayo ng cognitive tunelling, okey lang ‘yan dahil hindi kayo nag-iisa. Dahil dito, nalilito at nagkakamali rin ang maraming professionals, kahit pa mga piloto ng eroplano. Ganito ang nangyari sa pagbagsak ang Air Flight France 447. Nahirapang mag-focus ang mga piloto sa pag-aayos ng biglaang engine damages, dahil matagal-tagal din silang naka-auto pilot. Dahil relaxed ang utak nila, sobrang nagulat sila sa sunod-sunod na warning alarms sa monitors. Dahil din sobrang high-tech ng eroplano, automatic itong naglabas ng directions na programmed resolbahin ang emergency. Ang kaso, hindi naman palaging tama ang computer. Dahil panay sunod lang ang mga piloto rito nang hindi man lang malinaw sa kanila ang nangyayari, lalo silang napahamak.
Anong solusyon sa cognitive tunneling?
Kilalanin natin ang sagot sa isa pang airplane accident na tinapatan ang Air Flight France 447— ang Qantas Flight 32.
Makikita ninyo sa larawan (hindi po biro, at hindi po photoshop ang pagsabog) ang problemang kinaharap ng mga piloto ng Qantas Flight 32. Nakakatakot sa larawan pa lang, pero dahil sa tamang focus, ligtas nilang naibaba ang eroplano sa paliparan ng Singapore. Simple lang ang paliwanag dito ng research psychologist ng NASA na si Barbara Burian: Mental Models.
Nakasanayan na ni Captain Richard de Crescpigny, na siyang kapitan ng nasabing flight, na ihanda ang team niya sakaling magkaroon ng aksidente sa biyahe. Kumbaga nagkakaroon sila ng pop quiz bago ang flight. “I want us to envision the first thing we’ll do if there’s a problem.” , “Imagine there’s an engine failure. Where’s the first place you’ll look?” ganyan ang mga tanungan nila bago lumipad. Kapag gumagawa tayo ng mental models, iniisip na natin ang mga dapat asahan sa isang sitwasyon, bago pa man ito mangyari. Gamit ang mental models, may naaasahan tayong dapat mangyari, at kapag hindi ito ang nangyari, tumataas ang pokus ng utak natin dahil kumbaga naiisip natin, “Teka, parang may mali.”
Samantala, nagamit din ng nurse na si Darlene ang parehong konsepto ng mental models. Habang nag-aalaga ng mga sanggol sa ospital, may napansin siyang kakaiba sa isang bata. May kasama siyang isa pang nurse na nakakita nito, pero siya lang ang nakapansing parang may mali. Buti na lang at tumawag si Darlene ng physician, dahil nalaman nilang may sepsis pala ang bata, at kung nahuli pa sila ay baka namatay raw ito. Sa panayam kay Darlene ng sikolohistang si Crandall, nadiskubreng nagawa ito ng nurse dahil may mental model siya ng isang healthy baby. Nakumpara niya ang mental model na ito sa batang may sepsis, at napansin niyang hindi sila swak.
The secret of people like Darlene is that they are in the habit of telling themselves stories all the time. They engage in constant forecasting,” pagtatalakay ni Charles Duhigg sa pag-aaral, sa libro niyang Smarter, Faster, Better: The Secrets of Being Productive in Life and Business.
Ibig sabihin, kung gusto talaga natin matutong mag-focus, tinuturo sa atin ng sikolohiya na magsanay raw tayong gumawa ng mental models. Mental models that put us firmly in charge, sabi nga ni Duhigg.
Habang papuntang school, naiisip mo na ba ang mga pwedeng mangyari sa first period? May meeting ba sa club o para sa isang project? Kapag may hindi nasunod sa agenda, anong pwedeng gawin para maging #productive pa rin?
Madali ba? Siguro oo, pwede ring hindi. Pero proven and tested: kaya. Sabi nga ni de Crescpigny sa isang panayam niya kay Duhigg,
“You can’t delegate thinking. Computers fail, checklists fail, everything can fail. But people can’t. We have to make decisions, and that includes deciding what deserves our attention. The key is forcing yourself to think. As long as you’re thinking, you’re halfway home.” //ni Marianne Sasing
Mga Sanggunian:
Duhigg, C. (2016). Smarter, faster, better: The secrets of being productive in life and in business (Int’l ed.). New York: A Random House, pah. 71-102.
https://www.forbes.com/sites/carolinebeaton/2016/07/28/millennial-cognitive-tunnel-syndrome-why-we-miss-the-solutions-to-our-career-crises/#1b36a9821c07
http://www.news.com.au/travel/travel-updates/how-pilot-captain-richard-de-crespigny-and-his-crew-saved-qf32-from-aviation-disaster/news-story/6b755a7473f2c6f71cb1c3f1124b86b3
Feature: Focus Kasi: Paano Nga Ba Mag-#StayFocused?

0 comments: