barcode,

Literary: Bawat Papel

5/26/2017 09:22:00 PM Media Center 0 Comments




Ipinangako ko noon
Na kapag dumating ang araw
Na mamahalin mo na siya
Ay tatanggapin ko ng buo

Pero patawad
Dahil mali ako

Kaya’t lahat ng gusto kong
Ipanalangin
Sabihin
At hilingin
Ay ibinulong ko na lang
Sa mga papel

Sa lahat eroplanong papel
Na aking pinalipad sa ere
Isang lamang
Ang nilalaman ng mga ito:
“Sana’y maging masaya na ako
Para sa inyo.”

Sa bawat bangkang papel
Na aking ipinaanod sa ilog
Kalakip nito ang mga mensaheng
Hindi ko masabi sa iyo:
“Hindi ko na kaya pang
Maghintay sa iyo.”

Sa isang libong papel na tagak
Na aking itinupi
at inilagay sa garapon
Tanging isang bagay lamang
Ang hiniling ko:
“Sana’y makalimutan
na kita.”

at sa araw-araw kong
Pagpapalipad
Pagpapaagos
At pagtutupi

Ngayon
Napagtanto ko na
Na hindi sapat ang mga eroplanong papel
para matanggap ko na kayo ang itinadhana
Na hindi sapat ang mga bangkang papel
Para matigil ang sakit nitong pagmamahal sa iyo
Na hindi sapat ang sanlibong papel na tagak
Para matupad ang hiling kong makalimutan ka na ng puso ko

Ngayon
Alam ko na
Na ang tanging paraan
Para ako ay lumaya
Ay aminin sa aking sarili
Na hindi tayo
Para sa isa’t isa

You Might Also Like

0 comments: