beca sinchongco,

Business Entrep Track, lumahok sa business symposium

5/04/2017 08:47:00 PM Media Center 0 Comments



Dumalo sa isang symposium ang Business and Entrepreneurship Track ng Grado 11 noong Abril 26 sa UPIS Audio-Visual Room (AVR) sa pangangasiwa ng mga mag-aaral ng Technology Management Center (TMC) ng UP Diliman.

Nilayon ng gawaing imulat ang mga tagapakinig sa iba’t ibang ambag ng teknolohiya sa negosyo upang mapaunlad ang bayan.

Naging tagapagsalita sa programa sina Prop. Glen Imbang na faculty member ng UP Diliman TMC, Gng. Meiling Lee na Direktor ng Business Development sa Sulo Renewable Energy Solutions, Inc., at G. Ryan Sabio na Presidente at Technology Manager ng Tekton Geometrix Inc. Ang mga kumpanyang kinabibilangan nina Gng. Lee at G. Sabio ay kilala sa paggamit ng teknolohiya para sa ikabubuti ng mga Pilipino.

Nagbahagi sila ng mga kaisipan tungkol sa Technology, Innovation at Entrepreneurship. Tinalakay din nila ang mga oportunidad sa ilalim ng programang Technology Management Center ng unibersidad.

TALAKAYAN. Nagpaanyaya ng isang open forum ang tatlong tagapagsalita na sina (mula kaliwa) G. Ryan Sabio, Prop. Glen Imbang, at Gng. Meiling Lee. Photo Credit: Bjorn Amargo


“Bilang isang mag-aaral ng Business and Entrepreneurship Track ay nahikayat akong mag-isip at gamitin ang aking mga natutunan sa pagbuo ng teknolohiyang makatutulong sa bawat isa para sa ikauunlad ng bansa,” pagbabahagi ni Christian Pagadora, isa sa mga estudyante ng Business and Entrep Track na dumalo sa naturang symposium.

Sa huli, hinikayat ng mga tagapagsalita ang mga mag-aaral na magdebelop ng teknolohiyang makatutulong sa pag-unlad ng bansa.

TECH TALKS. Tinatalakay ni Prop. Glen Imbang ang pagkakaiba ng teknolohiya noon at ngayon sa Business and Entrepreneurship Track. Photo Credits: Rebeca Sinchongco


Ang Technology Management Center ay isang gradweyt program na itinatag upang tugunan ang mga pangangailangan ng industriya at gobyerno ng Pilipinas sa teknolohiya. //nina Hanzvic Dellomas at Rebeca Sinchongco

You Might Also Like

0 comments: