filipino,
Naduwag ako kaya hindi ko nasabi. Kahit na minsan, alam kong tama yung nararamdaman ko, hindi ko pa rin sinubukang itanong kung anong nararamdaman mo. Kahit palagi naman tayong magkausap, iniiwasan ko nang magtanong sa ‘yo ng tungkol sa mga ganoong bagay. Ayaw kong malaman. Baka hindi pa ako handang marinig ang sagot.
Natatakot kasi akong malaman yung totoo. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko sigurado kung aling katotohanan. Yung katotohanan na inaasahan ko na pareho nga tayo ng nararamdaman o yung katotohanan na iba pala talaga yung gusto mo. Natatakot akong ma-reject, hindi ko alam kung paano tatanggapin ‘yon.
Natatakot rin akong malaman na baka lahat ng hinuha ko mali pala, na akala ko lang pala lahat ‘yon. Nagfeeling lang ako, ganon. Pero ayaw ko rin namang maging manhid. Baka kasi lahat ng ipinapakita mo, walang malisya. Para sa ‘yo kasi magkaibigan lang tayo at ako lang nag-iisip na meron. Baka nga dahil gusto kita kaya nabibigyan ko ng kahulugan ang lahat ng ginagawa at sinasabi mo.
Natatakot akong masaktan. Matagal-tagal rin akong nagtago ng nararamdaman. Matagal-tagal ko ring iningatan. Baka masayang lang kung masasaktan lang. Kaya minsan, mas gusto ko pang magtanong na lang ng magtanong sa sarili ko kahit na hindi ko na malaman yung sagot. Hindi nga ako masasaktan pero hindi ko rin naman makukuha yung sagot.
Natatakot rin akong sumugal. Kung sumugal ako, susugal ka rin ba?
Pero, kung sasabihin ko ba may magbabago ba?
Literary (Submission): “Bakit hindi mo nasabi?”

0 comments: