filipino,

Literary: Sayang

5/12/2017 08:18:00 PM Media Center 0 Comments





Nakamamangha
Kung paanong ang dalawang tao`y pinaglalapit ng tadhana
Sa hindi inaasahang panahon, dalawang landas ay pinagtatagpo.
At ang Pakiramdam na parang ang pag-ikot ng mundo ay panandaliang humihinto.

Ganito.
Ganito ang naramdaman ko
Noong tayo`y pinaglapit.
Walang anu-ano`y tibok ng puso ko`y bumilis
Parang ibon na gustong lumaya sa pagkakapiit.
Mahirap ipaliwanag.
Mahirap intindihin.
Kung bakit noong nakita kita
Sa’yo lang gustong ibaling ang paningin.

Sinubukan na ika`y lapitan.
Makapagpakilala at makuha ang iyong ngalan.
Baka ikaw na kasi ang aking hinhintay
Na magpapasaya sa aking buhay.
Nag-ipon ako ng lakas ng loob.
Nag-isip rin kung paano makukuha ang iyong atensyon.

At noong ako`y papalapit na sa iyo,
Ramdam mo ang binabalak ko.
Nagdadalwang-isip kung itutuloy ko pa
O lilihis ng daan para maka-iwas sa kahihiyan

Pero itinuloy ko.
Tinuloy ko.

Inabot ko ang aking kamay
Sabay bigkas ng aking pangalan.
Hindi mo naman ako binigo,
Inabot mo rin naman ang iyo.
At doon na nga nagsimula ang napakahabang pag-uusap.
Tawanan at halakhakan.
Usapang akala ko’y mauuwi sa mas malalim na pagtitinginan
Pero noong niyaya kita kung gusto mo bang ulit magkita,
Ang sagot mo “I’m a lesbian.”

Ito ang dahilan kung bakit minsa’y takot nang magtiwala.
Ang pagtatakda ng tadhana’y
Sadyang mapaglaro at madaya
Napag-uugnay ang dalawang taong sadyang magkaiba
Pero minsan ang tanging masasabi na lamang-
Sayang…

You Might Also Like

0 comments: