feature,
Lumilipas ang panahon…
Lumipas na nga ang isang taong puno ng hindi matatawarang mga sandali, mga hinding-hindi malilimutang alaala. Kaya naman bago tayo mag-vacation mode, balikan muna natin ang lahat ng nangyari sa loob ng isang taong lumipas.
525,600 minuto ng pagkatuto…
1. Bagong Simula ng Pasukan! (Calendar Shift, Agosto 4, 2016)
Simula pa lang ng taon, marami nang bago. Para bang nag-adjust ang body-clocks nating lahat simula nang malipat ang pasukan ng Agosto. Pero kahit ganoon, nakakamiss din palang pumasok sa eskwelahan, pagkatapos ng limang buwang bakasyon. Kasabay nito, unang sumabak ang Batch 2018 sa bagong K-12 program kung saan naging anim, imbis na apat na taon ang ating buhay-hayskul.
8760 oras ng samu’t saring alaala…
2. UPIS Upgrades
UPIS Gym (Marso 26, 2016)
Dagdag sa isang panibagong simula, magkakaroon na rin ng bagong palaruan ang mga basketbolista at volleybolista ng ating paaralan. Sandaling hintay na lang at may sarili na tayong gym!
UPIS 3-6 Canteen (Agosto 2, 2016)
Kung ang 7-12 Building ay may bagong palaruan, siyempre hindi magpapahuli ang 3-6 Building na may bago namang canteen! Doon din nakapwesto ang pinakaminamahal nating si Aling Norms na mula noon hanggang ngayo’y saksi na sa patuloy na pag-unlad ng ating eskwelahan.
365 araw ng dangal at husay…
3. Marcos Not a Hero (Nobyembre 18, 2016)
Bilang mga iskolar ng bayan, hindi lang basta puro laro ang pinagkakaabalahan natin. Nakibahagi rin tayo sa makasaysayang pagtutol sa paglilibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Pinatunayan natin noong mga sandaling iyon na matatag din ang boses ng kabataan, mulat tayo sa realidad, at handa tayong makiisa sa ating bansa.
52 linggo ng sipag at tiyaga…
4. UPIS Celebrations: UPIS Grand Home Coming at UPIS Week (Disyembre 10, 2016)
Punong-puno nga ng selebrasyon ang taong nagdaan! Noon nga lamang Disyembre 10, 2016, muling napagkaisa ang mga alumni mula sa UP High, UP Elem, UP Prep at UPIS sa UPIS Grand Alumni Homecoming, kasabay ng selebrasyon ng sentenaryo.
Para naman sa mga estudyante, ginanap ang UPIS Fair na may temang IdealISKO. Tulad ng dati, hindi nawala rito ang pasiklaban na pinaghandaan ng bawat batch, ang Powerdance. Nariyan din ang ibang aktibidad tulad ng Club Wars, ACLE, Christmas Party, at Variety Show, habang nagkaroon naman ng intersection intrams ang Grado 11.
12 buwan ng patuloy na pagtibay…
5. Tambalan ng mga Bago: Logo at Summer Uniform (Marso 21, 2017)
Opisyal na ring inilabas ngayong akademikong taon ang bagong logo ng UPIS. Kasabay nito ang bagong summer uniform ng mga estudyante bilang tugon sa panahon ng tag-init. Permanente na ang bagong logo at gagamitin na rin ito sa susunod pang mga taon. Unang makikita ang logo sa bagong uniform, na isang puting t-shirt kumpara sa dating polo. Talaga ngang new na new ang taong ito— new logo, new look!
1 espesyal na taon…
Tunay ngang espesyal ang dumaang taon na ito. Simula pa lang ng school year ay mayroon nang malaking pasabog— Agosto na ang pasukan at mayroon na ring dagdag na Grade 11 students sa 7-12 building. Sinamahan pa ito ng pagpapatayo ng mga panibagong pasilidad at pakikilahok ng mga estudyante sa isang pambansang pagkilos. Idagdag mo pa riyan ang taunang UPIS Week na sinamahan ng enggrandeng Centennial Homecoming. Matapos ang ilang buwan, may inilibas pang bagong logo at summer uniform. Sadyang UPIS lang talaga ang may ganito karaming ganap sa loob ng isang taon!
Sa patuloy na pagtibay ng institusyong UPIS sa mga nagdaang taon, sana’y sa panibagong pang-akademikong taon ay magiging lalong makabuluhan at masaya ang tatahakin nating landas bilang isang paaralan. // Ni Jaja Ledesma
Feature: The Best of UPIS: AY 2016-2017

Photo Credits: UPIS Media Center |

Photo Credits: UPIS Centennial Homecoming Facebook page |
Punong-puno nga ng selebrasyon ang taong nagdaan! Noon nga lamang Disyembre 10, 2016, muling napagkaisa ang mga alumni mula sa UP High, UP Elem, UP Prep at UPIS sa UPIS Grand Alumni Homecoming, kasabay ng selebrasyon ng sentenaryo.
Photo Credits: UPIS Media Center |
Para naman sa mga estudyante, ginanap ang UPIS Fair na may temang IdealISKO. Tulad ng dati, hindi nawala rito ang pasiklaban na pinaghandaan ng bawat batch, ang Powerdance. Nariyan din ang ibang aktibidad tulad ng Club Wars, ACLE, Christmas Party, at Variety Show, habang nagkaroon naman ng intersection intrams ang Grado 11.
12 buwan ng patuloy na pagtibay…
5. Tambalan ng mga Bago: Logo at Summer Uniform (Marso 21, 2017)
Photo by: University of the Philippines Integrated School |

0 comments: