filipino,
Nandito na naman ako
Sa una nating pagkikita
Malamig ang panahon
Naaalala ko pa hanggang ngayon
Pinanood natin ang paglubog ng araw
At pag-akyat ng mga bituin
Sumayaw tayo sa ilalim ng buwan
Nagpadala sa simoy ng hangin
Nandito na naman ako
Sa dati nating pasyalan
Kung saan muntik ka nang mabangga
Dahil ako ang iyong tinitignan
Hinawakan mo aking kamay
Mahigpit na mahigpit
Ayaw mo akong pakawalan noon
Naaalala ko pa hanggang ngayon
Nandito na naman ako
Nakatayo sa dati nating tagpuan
Dahil lahat ng iyong sinabi
Ay ‘di ko magawang kalimutan
Nandito na naman ako
Puno ng takot, tumatakbo palayo
Tinapos mo lang nang ganoon
Naaalala ko pa hanggang ngayon
Alam kong matagal nang wala
At hindi na babalik ang dating hiwaga
Alam kong tapos na ang lahat
At wala na akong magagawa
Pero baka hindi lang tayo nagkaintindihan
Baka masyadong mabilis ang lahat
Baka mayroon pang pagkakataon
Umaasa pa rin ako hanggang ngayon
Hindi ko magawang kalimutan
Hindi ko magawang putulin ang mga alaala
Na nag-uugnay pa rin sa ating dalawa
Dahil hanggang ngayon, naaalala ko pa
Tinapos mo’ng lahat
Ibabalik na ang mga gamit, mga mensahe’y buburahin
Mag-isa na akong maglalakad
Sa ilalim ng mga bituin
Literary: Alaala
Nandito na naman ako
Sa una nating pagkikita
Malamig ang panahon
Naaalala ko pa hanggang ngayon
Pinanood natin ang paglubog ng araw
At pag-akyat ng mga bituin
Sumayaw tayo sa ilalim ng buwan
Nagpadala sa simoy ng hangin
Nandito na naman ako
Sa dati nating pasyalan
Kung saan muntik ka nang mabangga
Dahil ako ang iyong tinitignan
Hinawakan mo aking kamay
Mahigpit na mahigpit
Ayaw mo akong pakawalan noon
Naaalala ko pa hanggang ngayon
Nandito na naman ako
Nakatayo sa dati nating tagpuan
Dahil lahat ng iyong sinabi
Ay ‘di ko magawang kalimutan
Nandito na naman ako
Puno ng takot, tumatakbo palayo
Tinapos mo lang nang ganoon
Naaalala ko pa hanggang ngayon
Alam kong matagal nang wala
At hindi na babalik ang dating hiwaga
Alam kong tapos na ang lahat
At wala na akong magagawa
Pero baka hindi lang tayo nagkaintindihan
Baka masyadong mabilis ang lahat
Baka mayroon pang pagkakataon
Umaasa pa rin ako hanggang ngayon
Hindi ko magawang kalimutan
Hindi ko magawang putulin ang mga alaala
Na nag-uugnay pa rin sa ating dalawa
Dahil hanggang ngayon, naaalala ko pa
Tinapos mo’ng lahat
Ibabalik na ang mga gamit, mga mensahe’y buburahin
Mag-isa na akong maglalakad
Sa ilalim ng mga bituin
Pero itinago mo pa rin
Ang litrato ng paglubog ng araw
At ‘di mo ito magawang itapon
Dahil naaalala mo rin hanggang ngayon
Nandito na naman tayo
Noong sabihin ko sa’yong mahal kita
Noong sabihin mo rin na mahal mo ako
Bago pa’ng lahat ay nawala
Nandito ka rin
Sa ilalim ng buwan
Nandito ka rin
Sa dati nating pasyalan
Nandito ka rin
Sa dati nating tambayan
Nandito ka rin
Sa gitna ng gabi
Nandito ka rin
Sa dati nating tagpuan
Dahil ang pagtakbo ko palayo
Ay ‘di mo magawang kalimutan
Nawala ako sa iyong paningin
Tuluyan nang nawala
Pero ang alaalang nag-uugnay sa atin
Ay ‘di mo magawang burahin
0 comments: