filipino,
“MATATAPANG MATATALINO, WALANG TAKOT KAHIT KANINO!”
Ito ang palaging sigaw tuwing nanonood tayo sa mga kompetisyon ng ating mga atleta. Ang bawat hiyaw na ito ay hindi maikakailang nagbibigay-alab sa mga manlalaro, pati na rin sa mga manonood. Sa bawat pagpalo ng tambol, napapaindak ang lahat sa tunog ng “UP Fight!”.
Kilalanin ang boses sa likod ng mga sigaw na ito- ang UPIS Pep Squad.
Nagsimula ang UPIS Pep Squad bilang isang dance troupe na nabuo noong late 90’s. Gayunpaman, dahil sa kakulangan ng mga miyembro, nabuwag din kaagad ang grupo. Pinangunahan ng Batch 2003 ang muling pagbabalik ng samahan na noo’y binubuo pa lamang ng drummers. Kalauna’y nagsimula na rin silang tumanggap ng dancers.
Lingid sa kaalaman ng lahat, sa likod ng kanilang masisiglang sayaw at hiyaw ay may kanya-kanya rin silang pagsubok bilang atleta.
Dahil sa kakulangan ng suporta mula sa eskwelahan, nanggagaling sa kanilang sariling bulsa ang perang panggastos ng Pep Squad tulad ng transportasyon, pagkain, at uniporme. Kaya naman, naging malaking pagbabago sa kanilang koponan ngayong taon ang pagkakaroon nila ng sponsor dahil ito na ang nagbibigay ng kanilang mga uniporme at sapatos.
Hindi rin biro ang mga paghahanda nila sa bawat kompetisyong pinupuntahan. Dumadaan ang kanilang drummers sa matinding conditioning ng katawan at pag-eensayo ng iba’t ibang university beats, habang nagtitiis ang kanilang dancers sa sakit ng katawan sa mga nakakabali-butong workouts at dance routines. Ang lahat ng ito’y handa nilang gawin mabuo lamang ang bawat pagtatanghal.
Mula sa iilang miyembro, unti-unting nabuo ng kanilang pagpupursigi ang isang team na patuloy dumarami. Ngayon, patuloy pa rin silang naghahanap at tumatanggap ng mga bagong miyembro na handang sumuporta sa abot ng kanilang makakaya. Naghahanap din sila ng mga miyembrong magpapakita ng matinding dedikasyon hindi lamang sa pag-eensayo kundi pati na sa bawat laro na kanilang pinupuntahan.
Hindi man sila tulad ng karamihan sa ibang Pep Squads na sumasali sa iba’t ibang kompetisyon, ginagawa nila ang kanilang buong makakakaya sa pagsigaw ng pangalan ng UPIS at pagbibit sa mga kulay nito. Sa pangunguna ng kanilang kapitanang si Faith Austria, sige lang sila sa pag-eensayo upang lalong mapaghusay ang bawat pagtatangahal. Patuloy silang umaasa na darating ang panahong makakapagtatanghal sila sa mas marami pang entablado bitbit ang karangalang katawanin ang buong UPIS.
Sila ang boses sa likod ng hiyawan at lakas sa bawat pagtaktak ng tambol. Kung sa tingin mo’y handa kang sumama sa kanila, hinihintay lang nila kayo tuwing Huwebes hanggang Biyernes sa UPIS Dance Room! //nina Maica Cabrera, Jaggie Gregorio, at Julian Taloma
Sports: UPrising: Pep Squad Goals

TUNAY NA SAMAHAN. Anumang pagsubok na makaharap ng UPIS Pep Squad, sama-sama nila itong haharapin nang may ngiti sa kanilang mga labi. Photo credit: Paola Pagulayan |

0 comments: