filipino,
Hindi lahat ng atleta ay nagkakaroon ng pagkakataong magpakitang-gilas sa malakihang kompetisyon. Kahit ganito, natural lang na pangarapin ng sinuman na maging mas magaling sa kanilang larangan. Kaya naman pagdating sa alumni athletes ng paaralan, marami sa kanila ang talagang nagsusumikap at nakagagawa ng sarili nilang pangalan sa kolehiyo. Ngayon, ibinabandila nila ang tatak ng UPIS.
Jaime Mejia
Kapag narinig ang pangalang Jaime Mejia sa UPIS, hindi maitatangging naalala agad natin ang kanyang pagiging Athlete of the Year at MVP sa Track and Field. Makalipas ang ilang taon, ang kanyang galing na unang naipamalas sa paaralan ay dala-dala pa rin niya bilang isang senior varsity player sa University of the Philippines (UP) Track and Field Team. Dito siya patuloy na humahakot ng iba’t ibang medalya sa iba’t ibang kompetisyon.
Bilang isang student-athlete na dedikado sa kanyang pag-aaral at sport, time management daw ang isa sa mahahalagang natutunan niya sa UPIS.
Nagbigay rin siya ng payo para sa mga atletang nagnanais sumunod sa kanyang mga yapak. “Dapat maging matapang at huwag matakot mag-fail kasi ang dalawang ugali na ito ang tutulong sa inyo na maging successful. At basta always give your best para in the end, no regrets!”
Melvin Sangalang
Isa rin sa mga natatanging manlalaro ng Track and Field noong hayskul si Melvin Sangalang. Malaki raw ang naitulong ng UPIS sa kanya, hindi lang bilang isang senior varsity player, kundi pati sa pagiging responsableng estudyante sa UP. Noon, sinabi niyang hindi na siya maglalaro para makapagpokus sa pag-aaral. Pero dahil sa kanyang di-mapantayang pagmamahal sa sport, itinuloy niya ito sa kolehiyo.
Kasalukuyan siyang miyembro ng coaching staff ng UPIS Track and Field Team, bilang pasasalamat sa paaralan sa paghubog sa kanya at sa mga narating niya ngayon sa kolehiyo.
Priscilla Aquino
Simula pa lang noong hayskul, hindi na matatawaran ang pagiging magaling na atleta ni Priscilla Aquino, isang star swimmer ng Batch 2015. Makikita natin siyang kinakapanayam na lang sa ilang sikat na sports segment sa telebisyon, at hindi ito nakakapagtaka dahil todo ang dedikasyon niya sa sports. Gayunpaman, hindi niya itinangging itinuring niya ng ikalawang tahanan ang UPIS. Isa ito sa naging daan para makamit niya ang tagumpay na mayroon siya ngayon.
“Tip sa mga athletes ay mag-focus, not just on their sport pero sa studies ‘pag gusto nila pumasok,” payo niya para sa mga tulad niyang nangangarap na atleta.
Basti Regala
Isang dating Junior Fighting Maroon at Team Captain ng UPIS Boys Volleyball Team (BVT), si Basti Regala ng Batch 2015 ay isa sa mga nagpapakitang-gilas sa volleyball ngayon. Ayon sa kanya, mahirap ang paglalaro sa kolehiyo dahil maraming kasabayang magagaling at maraming pagsubok ang haharapin para lang malaro ang sport na mahal mo.
Sa ngayon, miyembro na siya ng 2-time defending champions Ateneo Men’s Volleyball Team at malaki raw ang naging tulong ng UPIS sa kanyang mga narating.
Isa sa mga ‘di niya makakalimutang alaala sa UPIS ay ang pagiging bahagi niya sa panalo ng UPIS BVT sa loob ng apat na taon. “’Wag makuntento, aral lang nang aral, at magpursigi lang nang magpursigi para maabot mo ang goals mo. At siyempre ‘wag kalimutan ang acads dahil student-athletes naman tayo at hindi athletes lang,” ika niya sa nangangarap ding katulad niya.
Chino Raynon
Para kay Chino Raynon ng Batch 2014, napalalim ng UPIS ang kaniyang interes sa pagiging drummer ng UP Pep Squad. Noong ikatlong taon niya sa highschool, nagsimula siyang mag-tryouts sa UPIS Pep Squad bilang snare drummer. Dito siya natutong makinig sa seniors at pahalagahan ang pagsuporta sa mga manlalaro dahil dala nila ang pangalan ng UPIS sa kanilang bawat laban.
Ayon kay Raynon, malaki raw ang pinagkaiba ng pagiging drummer sa UPIS at sa UP Pep. Istrikto at formal ang training, training hours at ang pag-aaply bilang varsity.
“Mas chill sa highschool pero mas rewarding naman sa college,” sabi pa niya. “Para naman sa mga drummer ngayon na gusto ring maging drummer sa kolehiyo, kapag nag-enjoy ka sa highschool ay mas mag-eenjoy ka sa college. Kahit na hassle ay sulit na sulit”, pagbabahagi ni Raynon.
Aina Ramolete
Isa pang drummer na produkto rin ng UPIS, at ngayo’y nasa UP Pep Squad na ay si Aina Ramolete ng Batch 2015. Sa UPIS niya unang narinig ang beats at doon siya “na-in love” sa Pep, sa drums at sa musika nito. “Dahil rin siguro pa-graduate na ‘yung batch namin noong sumali ako tapos hindi pa ako nakakaget-over sa pep noong college, kaya sumali ako sa UP Pep Squad.
Kung sa highschool ay isa hanggang dalawang oras lamang ang training, hindi pa araw-araw at minsan walang conditioning, sa college ay umaabot sila ng tatlo hanggang limang oras na may kasamang conditioning. Mahalaga rin ang pagkakaroon ng sense of family, respeto sa teammates lalo na sa seniors, at ang mga oportunidad na darating sa buhay mo.
Dagdag pa niya na kailangan ng puso dahil hindi ito madali. Sa pag-aaply, kailangan ng effort, commitment at time. “Itaguyod niyo ang bandera ng UPIS!” mensahe niya para sa gustong mag-UP Pep Drummer.
Diego Dario
Limang taong gulang lamang siya nang simulan niyang kahiligan ang basketball dahil sa pagsali niya sa MILO Best Basketball Clinic. Mula noon hanggang ngayon, isa siya sa mga buong-puso’t napakahusay na naging manlalaro ng UPIS. Siya si Diego Dario, isang Varsity Athletic Admission System (VAAS) entrant noon sa UPIS Juniors Basketball Team. ‘Di man siya agad nakapasok sa line-up ng Junior Maroons sa kanyang unang taon, pinatunayan naman niya sa lahat ang kanyang talento.
Dahil sa kanyang galing at pagsisikap, nakasama siya sa FIBA Asia Under 16 2013 Series. Sa kabila nito, hindi pa rin niya kinalimutan kung saan siya nagsimula. Kaya naman noong kanyang senior year sa UPIS, kusa niyang tinanggihan ang imbitasyon sa kanya sa SEABA Series para lamang makapaglaro siya para sa paaralan.
Ngayon, kahit siya’y naka-graduate na sa UPIS, naglalaro na siya kasama ang UP Men’s Basketball Team bilang isang point guard at patuloy niyang nirerepresenta ang Fighting Maroons.
Katulad din ng ibang manlalaro, hindi rin naging madali ang mga pinagdaanan niya para marating ang kinaroroonan niya. Naranasan niya ang mga pagdududa sa kanyang talento pero, kahit ganoon, makikita natin na ang dedikasyon at pagsisikap na ibinigay niya para sa paglalaro ang kanyang naging puhunan para makamit ang lahat ng tagumpay sa basketball at patunayan na kaya niya.
Joy Rodgers
Pinangungunahan niya ngayon ang UP Varsity Swimming Team, ngunit noon siya ay isa lamang sa mga atletang nangangarap na magpakitang-gilas sa UAAP. Hindi naging madali ang kanyang mga pinagdaanan ni Joy Rodgers upang marating ang tagumpay niya ngayon.
Kasama ang UPVST, patuloy niyang inirerepresenta ang kulay ng pula at luntian. Ayon sa kanya, mas mahirap ang kompetisyon sa kolehiyo. Inamin niya na mahirap pagsabayin ang pag-aaral at pag-eensayo. Ngunit hindi ito naging hadlang para siya ay sumuko. “Kung gusto mo talaga ang isang bagay, kahit gaano kahirap at nakakapagod, gagawin mo talaga lahat basta makamit mo yun.”
Bertram Matabang
Ang pangarap na nagsimula lamang sa isang yellow pad na may nakasulat na “GUSTO MO BANG MATUTO MAG-FENCING?”.
Si Bertram Matabang na kauna-unahang naging miyembro at isa mga tagapagtaguyod ng fencing sa UPIS ay isa na ngayon sa mga lumalaban kasama ang buong UPIS Community.
Dahil rin sa pagpupursigi ni Bertram, nagkaroon ng kaalaman ang UPIS sa Fencing Team na ngayon ay binubuo ng tatlong miyembro na layon pa niyang madagdagan.
Pero bago makasama sa UP Fencing Team sa kolehiyo, pinatunayan niya ang pagmamahal niya sa Fencing noong nasa UPIS pa lamang siya. Dahil sa kulang ang kagamitan ng UPIS, nagsariling sikap siyang bumili ng sariling mga kagamitan. Isa itong patunay na tiyaga ang kanyang puhunan sa kanyag pangarap. Hindi rin ito naging dahilan para siya’y tumigil bagkus ito pa ang naging motibasyon at inspirasyon niya para magsikap pa lalo.
Sa kanyang pagtatapos sa UPIS, ipinakita niya pa rin ang pagmamahal niya sa kanyang larangan at binigyang inspirasyon ang iba sa pamamagitan ng paglalagay ng kanyang senior quote, “Ang tagumpay, nagsisimula sa sarili.”
Sa Paglipas ng Panahon
Maaaring iba-iba na nga ang tinahak nilang daan pagdating sa kolehiyo, isang panibagong yugto sa kani-kanilang mga buhay. Sa kabila nito, ang dugo, puso, at tatak ng isang marangal at matagumpay na atleta ng UPIS ay habambuhay nilang dadalhin, mapasaan at maging sinuman sila sa hinaharap. //nina Maica Cabrera, Hanna David, at Julian Taloma
Sports: Tatak UPIS

PADAYON. Buong-pusong isinusulong ni Jaime
Mejia ang mga kulay na pula at luntian sa mga kompetisyong kanyang nilalahukan.
Photo credit: Jamie Mejia
|
Kapag narinig ang pangalang Jaime Mejia sa UPIS, hindi maitatangging naalala agad natin ang kanyang pagiging Athlete of the Year at MVP sa Track and Field. Makalipas ang ilang taon, ang kanyang galing na unang naipamalas sa paaralan ay dala-dala pa rin niya bilang isang senior varsity player sa University of the Philippines (UP) Track and Field Team. Dito siya patuloy na humahakot ng iba’t ibang medalya sa iba’t ibang kompetisyon.
Bilang isang student-athlete na dedikado sa kanyang pag-aaral at sport, time management daw ang isa sa mahahalagang natutunan niya sa UPIS.
Nagbigay rin siya ng payo para sa mga atletang nagnanais sumunod sa kanyang mga yapak. “Dapat maging matapang at huwag matakot mag-fail kasi ang dalawang ugali na ito ang tutulong sa inyo na maging successful. At basta always give your best para in the end, no regrets!”
Melvin Sangalang
FINISH
LINE. Gaya ni Mejia, binigyang-pugay ni Melvin Sangalang ang UP Community
matapos ang isang matagumpay na UAAP Competition. Photo Credit: Melvin
Sangalang
|
Isa rin sa mga natatanging manlalaro ng Track and Field noong hayskul si Melvin Sangalang. Malaki raw ang naitulong ng UPIS sa kanya, hindi lang bilang isang senior varsity player, kundi pati sa pagiging responsableng estudyante sa UP. Noon, sinabi niyang hindi na siya maglalaro para makapagpokus sa pag-aaral. Pero dahil sa kanyang di-mapantayang pagmamahal sa sport, itinuloy niya ito sa kolehiyo.
Kasalukuyan siyang miyembro ng coaching staff ng UPIS Track and Field Team, bilang pasasalamat sa paaralan sa paghubog sa kanya at sa mga narating niya ngayon sa kolehiyo.
Priscilla Aquino
UPIS REPRESENT. Bukod
sa pagpapakitang-gilas sa buong UPIS Community, ngayon pati sa telebisyon ay
kinakatawan na rin ni Priscilla Aquino ang UPIS at UPVST. Photo Credit:
Priscilla Aquino
|
Simula pa lang noong hayskul, hindi na matatawaran ang pagiging magaling na atleta ni Priscilla Aquino, isang star swimmer ng Batch 2015. Makikita natin siyang kinakapanayam na lang sa ilang sikat na sports segment sa telebisyon, at hindi ito nakakapagtaka dahil todo ang dedikasyon niya sa sports. Gayunpaman, hindi niya itinangging itinuring niya ng ikalawang tahanan ang UPIS. Isa ito sa naging daan para makamit niya ang tagumpay na mayroon siya ngayon.
“Tip sa mga athletes ay mag-focus, not just on their sport pero sa studies ‘pag gusto nila pumasok,” payo niya para sa mga tulad niyang nangangarap na atleta.
Basti Regala
Isang dating Junior Fighting Maroon at Team Captain ng UPIS Boys Volleyball Team (BVT), si Basti Regala ng Batch 2015 ay isa sa mga nagpapakitang-gilas sa volleyball ngayon. Ayon sa kanya, mahirap ang paglalaro sa kolehiyo dahil maraming kasabayang magagaling at maraming pagsubok ang haharapin para lang malaro ang sport na mahal mo.
Sa ngayon, miyembro na siya ng 2-time defending champions Ateneo Men’s Volleyball Team at malaki raw ang naging tulong ng UPIS sa kanyang mga narating.
Isa sa mga ‘di niya makakalimutang alaala sa UPIS ay ang pagiging bahagi niya sa panalo ng UPIS BVT sa loob ng apat na taon. “’Wag makuntento, aral lang nang aral, at magpursigi lang nang magpursigi para maabot mo ang goals mo. At siyempre ‘wag kalimutan ang acads dahil student-athletes naman tayo at hindi athletes lang,” ika niya sa nangangarap ding katulad niya.
Chino Raynon
TAAS-NOO. Buong-pagmamalaking ibinabandila
ni Kuya Chino ang mga kulay ng LGBT bilang pakikibahagi sa isa sa mga adhikain
ng UP Pep Squad. Photo credit: Miguel Mondragon
|
Para kay Chino Raynon ng Batch 2014, napalalim ng UPIS ang kaniyang interes sa pagiging drummer ng UP Pep Squad. Noong ikatlong taon niya sa highschool, nagsimula siyang mag-tryouts sa UPIS Pep Squad bilang snare drummer. Dito siya natutong makinig sa seniors at pahalagahan ang pagsuporta sa mga manlalaro dahil dala nila ang pangalan ng UPIS sa kanilang bawat laban.
Ayon kay Raynon, malaki raw ang pinagkaiba ng pagiging drummer sa UPIS at sa UP Pep. Istrikto at formal ang training, training hours at ang pag-aaply bilang varsity.
“Mas chill sa highschool pero mas rewarding naman sa college,” sabi pa niya. “Para naman sa mga drummer ngayon na gusto ring maging drummer sa kolehiyo, kapag nag-enjoy ka sa highschool ay mas mag-eenjoy ka sa college. Kahit na hassle ay sulit na sulit”, pagbabahagi ni Raynon.
Aina Ramolete
UP FIGHT. Nagsimula bilang UPIS Pep Squad ngunit ngayon, gaya ni Raynon ay kasama na ni Aina Ramolete ang UP Pep Squad Drummers sa bawat ng laro ng mga atletang isko. Photo Credit: Aina Ramolete |
Isa pang drummer na produkto rin ng UPIS, at ngayo’y nasa UP Pep Squad na ay si Aina Ramolete ng Batch 2015. Sa UPIS niya unang narinig ang beats at doon siya “na-in love” sa Pep, sa drums at sa musika nito. “Dahil rin siguro pa-graduate na ‘yung batch namin noong sumali ako tapos hindi pa ako nakakaget-over sa pep noong college, kaya sumali ako sa UP Pep Squad.
Kung sa highschool ay isa hanggang dalawang oras lamang ang training, hindi pa araw-araw at minsan walang conditioning, sa college ay umaabot sila ng tatlo hanggang limang oras na may kasamang conditioning. Mahalaga rin ang pagkakaroon ng sense of family, respeto sa teammates lalo na sa seniors, at ang mga oportunidad na darating sa buhay mo.
Dagdag pa niya na kailangan ng puso dahil hindi ito madali. Sa pag-aaply, kailangan ng effort, commitment at time. “Itaguyod niyo ang bandera ng UPIS!” mensahe niya para sa gustong mag-UP Pep Drummer.
Diego Dario
TROPEYO AT KARANGALAN. Bitbit ni Kuya Diego
ang patunay sa maraming taon ng kanyang dedikasyon at bunga ng kanyang
talento’t pagsisikap. Photo credit: Diego Dario
|
Limang taong gulang lamang siya nang simulan niyang kahiligan ang basketball dahil sa pagsali niya sa MILO Best Basketball Clinic. Mula noon hanggang ngayon, isa siya sa mga buong-puso’t napakahusay na naging manlalaro ng UPIS. Siya si Diego Dario, isang Varsity Athletic Admission System (VAAS) entrant noon sa UPIS Juniors Basketball Team. ‘Di man siya agad nakapasok sa line-up ng Junior Maroons sa kanyang unang taon, pinatunayan naman niya sa lahat ang kanyang talento.
Dahil sa kanyang galing at pagsisikap, nakasama siya sa FIBA Asia Under 16 2013 Series. Sa kabila nito, hindi pa rin niya kinalimutan kung saan siya nagsimula. Kaya naman noong kanyang senior year sa UPIS, kusa niyang tinanggihan ang imbitasyon sa kanya sa SEABA Series para lamang makapaglaro siya para sa paaralan.
Ngayon, kahit siya’y naka-graduate na sa UPIS, naglalaro na siya kasama ang UP Men’s Basketball Team bilang isang point guard at patuloy niyang nirerepresenta ang Fighting Maroons.
Katulad din ng ibang manlalaro, hindi rin naging madali ang mga pinagdaanan niya para marating ang kinaroroonan niya. Naranasan niya ang mga pagdududa sa kanyang talento pero, kahit ganoon, makikita natin na ang dedikasyon at pagsisikap na ibinigay niya para sa paglalaro ang kanyang naging puhunan para makamit ang lahat ng tagumpay sa basketball at patunayan na kaya niya.
Joy Rodgers
ONE SWIM ONE
FIGHT. Alay ni Joy Rodgers ang bawat laban sa Diyos
at sa buong komunidad ng UP. Photo Credit:
Suzy Uy
|
Pinangungunahan niya ngayon ang UP Varsity Swimming Team, ngunit noon siya ay isa lamang sa mga atletang nangangarap na magpakitang-gilas sa UAAP. Hindi naging madali ang kanyang mga pinagdaanan ni Joy Rodgers upang marating ang tagumpay niya ngayon.
Kasama ang UPVST, patuloy niyang inirerepresenta ang kulay ng pula at luntian. Ayon sa kanya, mas mahirap ang kompetisyon sa kolehiyo. Inamin niya na mahirap pagsabayin ang pag-aaral at pag-eensayo. Ngunit hindi ito naging hadlang para siya ay sumuko. “Kung gusto mo talaga ang isang bagay, kahit gaano kahirap at nakakapagod, gagawin mo talaga lahat basta makamit mo yun.”
Bertram Matabang
LABAN. Walang
pag-aalinlangang hinaharap na ni Betram Matabang ang hamon ng pagiging
student-athlete para sa pula at luntian simula pa noong high school. Photo Credit: Rissa Lucero

0 comments: