beca sinchongco,

Mga kandidato naglatag ng kanilang plataporma sa Miting de Avance

5/04/2017 08:31:00 PM Media Center 0 Comments



Idinaos ang Miting de Avance ng mga partido para sa Halalan 2017 noong Mayo 2 at 3 sa UPIS 7-12 Building sa pangunguna ng Senior Council (SC).

Iprinesenta ng mga kandidato’t partido ang kanilang mga plataporma sa mga estudyante at guro na dumalo. Pinagtuunan ng mga partido sa kanilang mga plataporma ang kahalagahan at pagsusulong ng pagkakaisa at pagkakapantay-pantay sa paaralan.

PAKIKIBAHAGI. Nagbigay ng ilang katanungan si Fred Samonte, kasalukuyang Presidente ng Student Council, para sa mga kandidato ng partidong KAmpilan. 


Isang partido lamang ang tumatakbo para sa Pamunuan ng Kamag-aral (pKA) 7-10. Gayundin, may tig-isang partido rin para sa Freshman Association, Sophomore Association, Juniors Association at Senior Council.

PULONG. Inilatag ng partidong KAmpilan ang kanilang plataporma sa harap ng 8-Beetle sa isang room-to-room campaign bago ang Miting de Avance. Photo Credit: Prof. Catherine Atordido

Samantala sa Grado 3-6, tumatakbo ang partidong KApit-bisig at dalawang independent candidates para sa pKA 3-6. Nakatuon ang kanilang mga plataporma sa kalinisan ng paaralan.

Idinaos naman ang Halalan 2017 ngayong araw, Mayo 4 at inaasahang maidedeklara ang mga kandidatong nagwagi sa darating Mayo 16. // Nina Trisa De Ocampo, Cedric Jacobo, Beca Sinchongco



You Might Also Like

0 comments: