feature,
Dumaan ka sa corridor at nakita mong sobrang gulo ng isang kuwarto. Pagkatapos ng klase ninyo, dumaan ka ulit doon at parang biglang hinigop ng hangin ang lahat ng kalat! Hindi ba nakapagtataka, na sa tuwing pumapasok tayo sa ating paaralan ay kay linis at kay kintab ng mga sahig at maayos ang mga silya at mesa? Dahil ‘yan kina ate at kuya, ang masisipag na custodial workers ng UPIS. Isa na sa mga huwarang custodial worker ng UPIS si Ate Elmira Dacuya, 45 taong gulang na 10 taon nang nagtatrabaho bilang isang custodial worker at nakatalaga sa Administration Office ng paaralan.
Daily Routine
6:00AM – Pagdating niya sa umaga, una siyang tutungo sa Guidance Office at lilinisin ito. Pagkatapos ay agad-agad niyang lilinisin Clinic at isusunod ang Office of Research, Development and Publication.
8:00AM - Lilinisin naman niya ang mga banyo sa Admin office. Magwawalis at magpupunas ng sahig sa buong lobby at hallway.
10:00AM – Magpapahinga na siya matapos maglinis sa Admin Office dahil oras na para sa isang coffee break. Siklo ang gawain ni Ate Mira, babalikan niyang muli ang mga lugar na kanyang nalinis na upang siguraduhing mananatili ang kalinisan sa mga lugar na ito.
12:00PM - Ito na ang oras para sa tanghalian, sasabay siyang kakain kasama ang mga katrabaho niya.
1:00PM - Pagkatapos niyang mabusog sa kanyang masarap na pananghalian. Babalik na siya sa pagtatarabaho. Ngayon maglilinis naman siya sa CR ng mga babae sa Academic Building mula sa unang palapag hanggang ika-apat na palapag.
3:00PM – Pagsapit ng alas tres, matatapos na ang kanyang mga gawain. Imomonitor na lamang niya ang mga ito. Huli niyang gagawin ang pagtatapon ng mga basura.
5:00PM - Nagtatapos ang kanyang araw sa paaralan at uuwi siya sa kaniyang mahal na pamilya.
Memorable Moments sa Kanyang Trabaho
Hindi lang naman puro trabaho ang ginagawa ni Ate Mira. May mga pagkakataong lumalabas din siya siklo ng kanyang mga gawain. Ito ang mga hindi niya malilimutang pangyayari sa kanyang trabaho. Halimbawa na lamang ay ang programang “Day-Off” na inorganisa ng Kamag-Aral noong Marso, 2016. Isa ito sa pinakatumatak sa kanyang pagtatrabaho dito sa UPIS. Isa raw kasi itong selebrasyon kung saan parang bumalik daw sa pagkabata ang staff at custodial workers dahil sa kasiyahan ng mga laro at sa sarap ng mga handa sa salo-salo.
Alam niyo bang nagtrabaho rin si Ate Mira noon sa Bureau of Internal Revenue?! Bukod daw sa UPIS, ang pagtatrabaho niya roon ang isa pa sa memorable moments niya sa labas ng paaralan. Tuwing Biyernes ay nakatatanggap sila ng allowance na hiwalay pa sa kanilang mismong sweldo. Kaya naman sabi ni Ate Mira, “Ang sipag ko doon kahit pagod na hehe.”
Mga Hilig at Interes
Hindi lang din naman sa trabaho umiikot ang buhay ni Ate Mira. Inaabangan rin niya ang iba’t ibang palabas at mahilig siya sa foreign TV series tulad ng Game of Thrones at The Walking Dead. Tuwing Sabado’t Linggo, nag-eehersisyo siya o kaya’y sumasali sa zumba sessions sa QC Circle. Minsan naman, nagbabadminton siya kasama ang kanyang pamilya para makapag-bonding sila. Hilig niya rin ang pagluluto ng mga panghimagas o mga dessert tulad ng Maja Blanca.
Para Kanino ang mga Pagsisikap
Magulang din si Ate Mira at mayroon siyang apat na anak. 26 taong gulang ang kanyang pinakamatanda habang 15 naman kanyang ang bunso. Kaya’t nang itanong kung para kanino siya bumabangon, ang unang pumasok sa kaniyang isipan ay walang iba kundi ang kaniyang pamilya. “Para sa mga anak ko,” sagot ni Ate Mira.
Si Ate Mira ay maituturing na huwarang manggagawa ng ating paaralan. Mahal niya ang kanyang trabaho tulad ng pagmamahal niya sa kanyang pamilya na kanyang inspirasyon upang magpatuloy sa pagtatrabaho. //nina Jaja Ledesma, Layla Wadi, Paola Pagulayan
Feature: Sa Likod ng Eksena: Isang Araw sa Buhay ni Ate Elmira
MEET ATE MIRA. Sa likod ng malinis nating paaaralan, nariyan si Ate Mira at ang iba pang custodial workers na hindi matatawaran ang dedikasyon sa kanilang trabaho. Photo credits: Paola Pagulayan |

0 comments: