filipino,
Imumulat ang mga mata, maghahanda para sa panibagong araw na tatahakin.
Nag-aayos, naggagayak para lumabas at kumuha ng mga litrato. Ito ang mundo ko araw-araw at ito na rin ang buhay ko. Akala mo siguro napakadali lang ng lahat, na tila wala dinadalang problema. Siguro inaakala mong isa akong litratista at magaling akong kumuha ng mga litrato.
Nagkakamali ka. Mali ka.
Wala akong alam sa anumang teknikal na bagay sa potograpiya. Wala akong mamahaling kamera na may mahahabang lente. Ang tanging alam ko lang, ay ang pagkuha ng larawang magsisilbing memorabilia ng mga alaala at karanasan.
Iniinda ko ang hirap na sa bawat pagbangon sa umaga’y wala akong naalala sa nakaraan. Ang bawat bukas ay tila ba panibagong umaga. Mag-aayos ako at maggagayak sa panibagong araw, panibagong karanasan. Pero hanggang doon na lamang iyon. Ang nananatili na lang sa isip kong ito ay ang pagkabata at wala nang iba. Malungkot isiping ganoon lang ang aking natatandaan. Masakit dahil napakaraming alaala na nais balik-balikan. Pero kahit ganito ang karamdama’y hindi naging hadlang upang ang mga alaala’y tuluyang mawaglit sa isipan.
Tulad ng ibang tao, kumukuha tayo ng mga larawan upang maalala natin ang mga pangyayari. Ako ma’y ginagawa ko ‘yun, mas pinahahalagahan ko lang ang bawat kuha at ang bawat anggulo. Mula sa kaliit-liitang detalye kailangan makuha ko. Makuhanan ko. Malabo man o madilim, aking itinatabi ang bawat litrato, sinusulatan ang likod ng mga ito na parang nagkukuwento, isinasalaysay ang nangyari sa larawang iyon. Masaya ba ako sa araw na iyon? Bakit? Sinong nakapagpasaya sa akin? Malungkot ba ako? Anong ikinalungkot ko? Sinong nawala, umalis? Galit ba ako? Sa bawat kuhang iyon, pinabubukal ko ang damdaming nangingibabaw sa akin.
Sa tagal ko nang namumuhay nang ganito, libu-libong imahe na ang aking nakuha. Kasabay ng paglimot sa libu-libong alaala, libu-libo rin ang nagugunita sa pagtingin sa bawat kuha.
Mahirap man ang ganitong sitwasyon, sa simpleng gamit na taglay, nagagawa kong mabuhay;
Pagkat kamera ang tanging sandata
At larawan ang bala.
Literary: Amnesia

0 comments: