beca sinchongco,
Itinalagang bagong head coach ng UP Integrated School Boys Volleyball Team (UPISBVT) si Hans Chuacuco at assistant coach ng UPIS Girls Volleyball Team (UPISGVT) si Nicole Tiamzon para sa nalalapit na UAAP Season 80.
Sina Chuacuco at Tiamzon ay kapwa beterano ng UP Men’s at Women’s Volleyball Team. Makakatuwang ni Coach Paolo Mendoza si Asst. Coach Tiamzon sa UPISGVT.
Kasabayan nila, pumasok din sa grupo ang mga bagong miyembro mula Grado 8-11 na sina Yanna Ferrer at Frances De Guia (Grado 8, Kyle Mararac (Grado 9), at Rina Castro (Grade 11) para sa UPISGVT, at sina Elijah Galang at Aldrin Baysa (Grado 10) at Louis Caguiat (Grado 11) para sa UPISBVT.
Makikipagtulungan sila sa mga beterano ng kani-kanilang team na sina Angelica Jota, Bianca Morales, Yanna Reblando, at Trixie Badong ng UPISGVT at sina Carlos Laderas, Brian Gabriel, Dex Daguman, Samuel Silvestre, at Derick Urgena ng UPISBVT.
Bilang paghahanda ng team para sa nalalapit na season, marubdubang ensayo sa loob at labas ng court ang kanilang ginagawa. “[Natutunan kong] magkaroon lang ng confidence sa lahat ng ginagawa,” pahayag ni Daguman na team captain ng UPISBVT tungkol sa mga natutunan siya sa kanilang bagong coaching staff.
Sa kauna-unahang pagkakataon, gaganapin ang kompetisyon sa Filoil Flying V Arena sa San Juan City at magaganap ang unang laro nila sa Setyembre 9-10, 2017. // ni Beca Sinchongco
Sports: Bagong coaching staff, palalakasin ang UPIS Volleyball teams

HANDA NA. Ipakikitang muli ng UPIS Boys Volleyball team ang kanilang giting at tapang sa paparating na UAAP Season 80 kasama ang kanilang bagong coach at manlalaro. Photo credit: Carlos Laderas |

0 comments: