faber castell 0.7,
Isa, Dalawa, Tatlo
Sabay ngiti. Tingin ay deretso.
Sinimulan ang pagkuha ng larawan,
Sa dalawang magkasintahan.
Patuloy ang pagkuha
ibat-ibang anggulo,
Ng pagtitinginang di malinaw kung saan patungo.
Sinusubukan ang tamang timpla,
Ng bawat kulay na taglay ng kanilang pagsasama
Tinatantsa ang liwanag at timpla ng mga ilaw,
Upang masigurong silang dalawa ay malinaw.
Ngunit kasabay noon ay ang unti-unting pagbabago,
Sa emosyon at labis na pagkakalito.
Dahan-dahang hindi nagiging komportable,
Sa pagkakaupo, Sa sitwasyong magkatabi.
Parehong naiilang sa pwesto,
Sa pagita'y nais nang maglagay ng espasyo.
Upang makahinga, Upang makalaya,
Mula sa isang "set-up" na di malaman kung saan nagmula.
Lumaki ang agwat sa isa't-isa,
Lumawak ang pagitan ng dalawa,
Hanggang sa magsawa na,
Hanggang sa isa na lang ang natira.
..
Tapos na ang pagkuha.
Naubos na ang baterya.
Di na malinaw ang kuha ng lente.
Tinigil na ang napatagal na pagkukunwari.
Tatlo, Dalawa, Isa.
Sarado na ang ilaw, nakapatay na ang kamera.
Nabuo pa rin ang mga larawan,
Mga alaala at pruweba
Na pilit man kalimutan,
Ay mananatiling nakatago sa pitaka ng isa't-isa.
Literary: Naiwang Larawan

0 comments: