admin staff,
“Ano pong maitutulong ko sa inyo?”
Ito ang popular na pambungad na tanong ni Gng. Carmelita Capones, o mas kilala nating lahat bilang si Ma’am Lita sa mga estudyante at Ate Lita naman para sa faculty at staff. Nobyembre ng taong 1980 nang una siyang magtrabaho bilang isang clerk sa UP. Dahil sa kaniyang kasipagan at dedikasyon sa trabaho, unti-unti siyang na-promote hanggang naabot niya ang posisyong Senior Administrative Assistant ng UPIS na kumatawan din bilang sekretarya ng Prinsipal.
Ngunit, sa halos apat na dekadang pananatili niya sa paaralang ito, nakapagtatakang isipin kung paano nga ba siya nagtagal. Ayon sa kanya, ilan sa mga dahilan kung bakit siya umabot ng 37 taon ay: una, ang mga pribilehiyong natanggap niya mula sa prestihiyosong unibersidad; pangalawa, ang kaniyang mga nakasama; at siyempre, ang pagmamahal niya sa kaniyang trabaho.
“Si Ate Lita? Mabait ‘yun! ‘Di madamot, masipag! Isa siyang mentor na tuturuan ka kapag may gusto kang malaman,” kuwento ni Ma’am Domino na isa sa mga nakatrabaho niya.
“She may not be around all the time, but when she is, she does things efficiently,” dagdag naman ni Prop. Donkor, Assistant Principal for Administration.
“Okay na okay! Very accommodating at kapag may problema, kaya niyang i-solve!” sabi naman ni Gng. Lani Zamora, isang malapit na kaibigan at katrabaho rin ni Ma’am Lita.
Mula sa kanyang mga nakasama sa trabaho, naging napakubuti, matulungin at maaasahang empleyado si Ma’am Lita. Hindi lamang niya ibinuhos ang kaniyang sarili sa mga gawain kundi binibigyang-pansin rin niya ang pagkaroon ng magandang relasyon sa kaniyang mga katrabaho at mga pinaglilingkuran. Ipinapakita nitong hindi lamang isang empleyadong nagretiro sa UPIS, kundi isang kaibigan at miyembro ng kanilang pamilya.
Sa kaniyang pagreretiro, nais niyang higit na mapabuti at magkaroon ng mas maraming suporta mula sa Unibersidad, at magkaisa ang buong komunidad ng UPIS. Para naman sa mga susunod sa kanyang yapak ipinapayo niyang maging matiyaga, pasensyoso at maging laging handa sa trabaho. Higit sa lahat, huwag nilang makalimutang ngumiti.
Lubos na nagpapasalamat ang UPIS sa naiambag at naitulong ng nag-iisang Carmelita Y. Capones.// nina Zachary Jugo at Jo-ev Guevarra
Feature: Serbisyong Totoo
HAPPY RETIREMENT. Nagsagawa ng sorpresang selebrasyon ang mga kasama sa trabaho ni Gng. Lita Capones para sa kaniyang pagreretiro. // Photo credit: Prof. Rachel Ramirez |

0 comments: