filipino,

Literary (Submission): Universe

2/16/2017 09:07:00 PM Media Center 0 Comments





(Reply to Cloud 9 by Summersky)

Nagsimula ang lahat sa asaran,
Sa mumunting kuwentuhan at kulitan,
Ngunit di kailanma'y sumagi sa aking isipan,
Na ang pagtingin ko sayo'y magiging totohanan.

Sa tuwing nagtatagpo ang ating mga mata,
Oras sandaling tumitigil ng sandali.
Sa aking mundong walang kulay,
Ikaw ang siyang nagbibigay buhay.

Sa tuwing tayo'y magkasamang umaawit,
Mga puso nati'y unti-unting naglalapit.
Hindi mapigilang mapangiti at mamula,
Sa bawat pagkakataong ika'y aking hinaharana.

Sa tuwing magkahawak ang ating mga kamay,
Sa sobrang kilig, halos ako’y mamatay.
Hanggang ngayo’y hindi ko mawari,
Kung bakit tila itinadhana ang ating mga sarili.

Minsan naitanong ko sa sarili ko,
Bakit ako? Bakit sa'yo?
Ano pa ba ang gagawin ko,
Kung talagang nahulog na ang aking puso?

Sadyang mapaglaro ang tadhana,
Ngunit ngayon, ang paghihintay mo'y tapos na.
Paumanhin kung nahuli ako.
Sa wakas, ang pag-ibig natin ay pinagtagpo.

You Might Also Like

0 comments: