barcode,

Literary: Kung Pipili Ka Na

2/16/2017 07:47:00 PM Media Center 0 Comments






Isaisip mo sana…

Kung papipiliin ka niya-
Kung puti o pulang rosas
Piliin mo ang puting mga bulaklak
Simple pero elegante
Nangangahulugang “salamat at nandiyan ka”

Kung tatanggap ka…

Ng mga tsokalate mula sa kanya
Kainin mo lang ‘yung itim at may mapait na lasa
Iyong hindi mo masyadong magugustuhan
Iyong mailuluwa mo sa labis na kapaitan

Kung sasama ka sa kanya…

Kapag minsan ka niyang inaya
Sa takipsilim o pagsikat ng araw,
Samahan mo siya sa takipsilim
Nagpapahiwatig ito ng pagtatapos

Kung pipili ka na…

Ako ba o siya?
Mahal, sana’y ako ang piliin mo
Dahil gusto kong sa akin galing ang una mong pulang rosas
             Habang malambing na ibinubulong sa iyo ang “mahal na mahal kita.”
Dahil gusto kong sa akin galing ang matatamis na tsokolate
             Kasabay ng pagbabalik-tanaw natin sa ating masasayang alaala
Dahil gusto kong ikaw ang kasama sa pagbubukang-liwayway
             At ako ang liwanag sa madilim mong buhay

Dahil kung ako ang pipiliin mo
Pinakamamahal ko,
Patutunayan kong tama ang desisyon mo

You Might Also Like

0 comments: