filipino,

News: Mga mag-aaral ng UPIS, lumahok sa Youth in Action 2017

2/27/2017 08:13:00 PM Media Center 0 Comments


Lumahok ang ilang mag-aaral ng University of the Philippines Integrated School (UPIS) sa Youth in Action 2017: Karapatan ng Every Juan noong Pebrero 11 sa UP College of Law.

Naging kinatawan ng UPIS ang mga miyembro ng Economics Varsity na sina Jarod de Luna at Bryant Galicia para sa Extemporaneous Speech category, Marlon Nahial II at Fred Samonte sa Essay Writing, at Wenona Catubig at Lander Suguitan para sa Poster Making contest. Kasama rin sa Forum sina Alexandra Arugay at Aldric de Ocampo.

Sumentro ang serye ng diskusyon at kompetisyon sa pagtataguyod at pagtatanggol ng karapatang pantao at ang papel ng kabataan dito.

ALISTO. Atentibong nakibahagi ang mga kinatawan ng UPIS sa Youth in Action 2017 bilang pagdiriwang ng UP ETC sa kanilang 38th Consciousness Month. Photo credits: UP ETC

Ang Youth in Action 2017 ay isang patimpalak na isinagawa ng UP Economics Towards Consciousness (UP ETC) bilang bahagi ng pagdiriwang ng 38th Consciousness Month na pinamagatang Gunita: Pag-alala sa Nakaraan, Pagkilos sa Kasalukuyan, Paghubog sa Kinabukasan. Ipinagdiriwang ito tuwing buwan ng anibersaryo ng organisasyon. // nina Trisa De Ocampo at Marianne Sasing

You Might Also Like

0 comments: