filipino,

Literary (Submission): Pitik-bulag

2/17/2017 09:01:00 PM Media Center 0 Comments





Ang larong ito’y para sa dalawa
Para sa mga taong nagbubulag-bulagan sa nadarama ng isa’t isa
Tinatakpan ko ang iyong mga mata nang di mo makita

Ikinukubli pa rin sa’yo, baka di pareho ang nadarama
Baka sa huli ako lang pala ang umaasa
Baka ako lang pala ang umiibig nang mag-isa

Sa isang ‘di inaasahang pagkakataon nahulaan mo ito
At binigkas mong “Gusto mo pala ako”
“Ba’t di mo pa sinabi noon?”

Sabi mo’y may gusto kang dalagita
Umaasa akong ako ang iyong sinisinta
kaso ang babaeng ito’y iba pala

Ang larong ito’y para sa dalawa
May isang di nakikita ang nadarama ng iba
Kaya hihilingin na lang na sana’y sumaya ka,
Kalaro ang iba

You Might Also Like

0 comments: