filipino,

Literary: O, Pag-Ibig Nga Naman

2/16/2017 07:37:00 PM Media Center 0 Comments






O, pag-ibig nga naman!
'Pag nasok sa puso ninuman
Hahamakin ang lahat
Masunod ka lamang.

O, pag-ibig nga naman!
Sadyang mahirap iwasan
Kapag puso'y nabalot nito
Imposible nang labanan.

O, pag-ibig nga naman!
Nakakabulag ‘pag ika’y tinamaan
‘Pagkat sa kalaliman ng gabi'y
Umaga pa rin'g nasisilayan

O, pag-ibig nga naman!
Ano pa man ang pagdaanan
Iaalay kahit huling sentimo
Huwag mo lamang iwanan

O, pag-ibig nga naman!
Kapalara’y walang kasiguruhan
Umaasang sana’y maisip mo ako't
Kamay ko'y 'yong hawakan

O, pag-ibig nga naman!
Puso ko’y napupuno ng takot
Sarili ko’y paulit-ulit na tinatanong
Nandito ka pa kaya kinabukasan?

You Might Also Like

0 comments: