beauty pageant,
Noong ika-30 ng Enero, ginanap sa Mall of Asia Arena, Pasay City sa Pilipinas ang ika-65 Miss Universe.
Ang Miss Universe ay ang pinakaprestihiyosong beauty pageant na nagsimula noong 1952 sa California. Pinakahinihintay ito ng fans ng mga kalahok, sapagkat kinakatawan ng mga kasali ang kanilang mga bansa. Isang karangalan ang manalo sa pageant na ito. Ang makakakuha ng titulong Miss Universe ang magdadala sa pangalan ng kanilang bansa. Higit pa, tungkulin din nila bilang Miss Universe na isulong ang kanilang mga adbokasiya. Ngayong taon, nanalo bilang Miss Universe si Iris Mittenaere, Miss France. Samantala, ang pambato ng Pilipinas na si Maxine Medina ay umabot sa Top 6 ng kompetisyon.
Maraming naglabas ng kanilang opinyon patungkol sa ipinakita ni Maxine Medina sa Miss Universe. Naging usap-usapan sa social media, lalo na sa Twitter, ang kanyang sagot at ang paggamit niya ng Ingles sa Question and Answer Portion, kung saan ibinabase ang pagpili sa Top 3. Gayong nagkaroon na ng interpreter para kay Medina, tila hindi niya ito pinansin at tumuloy pa rin siya sa paggamit ng Ingles.
Bago pa magsimula ang kompetisyon, marami na ang nanghikayat kay Medina na kumuha ng interpreter upang mas madalian siya sa pagsagot. Marami rin ang pumuna sa kanya sa social media dahil sa kanyang mali-maling paggamit ng Ingles. Sa katunayan, napansin ito ng netizens sa kanyang send-off press conference bago ang pageant. Marami ang pumabor sa pagkuha ni Maxine ng interpreter. Kabilang na rito sina Miss Universe 1973 Margie Moran at Miss Universe 1969 Gloria Diaz. Depensa naman ni Medina, pumayag siyang magkaroon ng stand-by interpreter lamang sapagkat nais pa rin niyang sumagot sa Ingles. Paliwanag niyang sinanay siyang sumagot sa wikang ito.
Maaaring sinanay siya sa paggamit ng wikang Ingles, subalit kung mas komportable naman siya sa Filipino, mas mainam na ito ang wikang ginamit niya. Sa ganitong paraa’y naipahayag sana niya nang mas mahusay ang kanyang sagot at punto sa tanong.
Kung tutuusin, hindi naman siya ang nag-iisang kandidatang gagamit ng kanyang sariling wika kung sakali. Ang totoo, ang mga kalahok na pumasok sa Top 3 ay gumamit ng interpreter sa pagsagot. Marahil, mas nakikita nilang bentahe ang paggamit ng kanilang sariling wika. Nakikita nila ang kalakasan ng paggamit ng sariling wika upang mabisang makapagpahayag ng kani-kanilang saloobin sa iba’t ibang isyu.
Malaya ang sinuman na makapamili ng wikang kanyang gagamitin sa anumang kompetisyon lalo na sa mga beauty pageant na katulad ng Miss Universe. Subalit, hindi naman nakapagpapababa ng pagiging beauty queen ang paggamit sa sariling wika. Tulad nga ng sinabi ni Ms. Gloria Diaz, ang pagsasalita ng wikang Filipino ay hindi nakababawas sa pagiging beauty queen ng isang tao. Hindi rin naman nakababawas sa estado ng buhay ang paggamit ng Filipino.
Marami ang sumang-ayon sa suhestiyong gamitin ng ating kandidata ang kanyang sariling wika sa beauty pageant na nabanggit. Isa itong magandang pagkakataon upang ang mga ahensiya o organisasyon sa nagsasanay sa ating kandidta ang siyang manguna sa pagsusulong ng paggamit ng wika ng kanyang bayan. Hikayatin sila’t lubos pang sanayin na sumagot sa wikang gamay at komportable silang gamitin. Mas mainam ito kaysa isakripisyo ang kagandahan ng mensahe at opinyon ng ating kandidata sa mga usaping global. Higit kaninoman, sa atin dapat na magsimula ang pagpapayaman at paggamit ng ating sariling wika.
Huwag nating ikahiya ang ating sariling wika, ang ating bansa at ang ating pagkakakilanlan. Ipagmalaki at isulong ang ating sariling wika, ang ating kultura. Hindi masamang adbokasiya para sa sinumang Pilipino at Pilipinang kandidata. // ni Rachel Siringan
Mga Sanggunian:
http://news.abs-cbn.com/life/01/18/17/gloria-diaz-tells-maxine-medina-get-an-interpreter
http://www.interaksyon.com/entertainment/miss-universe-winners-to-maxine-medina-be-a-good-host-get-an-interpreter/
https://www.youtube.com/watch?v=JfC_qMeWsbI
https://twitter.com/cnnphilippines/status/825659174570700800
https://starcinema.abs-cbn.com/latest-news/2017/01/29/maxine-medina-concedes-gets-an-interpreter
Opinion: Filipino, Mabuhay!

0 comments: