filipino,
Sa pagdating ng iyong iibigin...
Sa kanyang pagdating
Maaaring hindi ka niya pansinin.
Pwedeng sa unang tingin,
Wala ka lang sa kanya, parang hangin.
Maaaring ika’y kanyang balewalain,
Lampasan at hindi man lamang kausapin.
Pwede ka rin niyang itaboy palayo
Pero ‘wag kaagad susuko.
Ang mabuti mong gawin,
Siya ay iyong suyuin.
Ipakita kung gaano siya ka-espesyal,
Kung paano ka magmahal
Dahil baka ang susunod mong iibigin…
Ay maaaring nasaktan na rin.
Baka alam niya kung paanong paasahin.
Baka ‘di niya na rin alam ang ibig sabihin
Kung paanong magmahal, kung paanong mahalin.
Kailangan niya siguro ng muling magtuturo
Kung paano bumangon pagkatapos mabigo.
Isang taong magpapaniwala muli sa paghiling sa mga tala
At sa kung ano ang kayang gawin ng pag-ibig.
Nang sa gayon ay kanyang makita
Na hindi lahat ay magkakapareha,
Na pwede pa siyang lumigaya
Kung may sumugat man sa puso niya.
Pero sa susunod na muli kang iibig…
Gawin ang lahat para siya’y mapasaya
‘Wag hayaang muli niyang maramdaman
Ang sakit at pighati na mismong dahilan
Kung bakit siya natakot na muling ipagkatiwala ang puso sa iba.
‘Wag na ‘wag mo siyang susukuan.
Pagkat ang mahal hindi dapat iniiwan.
Kaunting tiyaga at pang-unawa lang
At kayo rin ang makakatuluyan.
Literary (Submission): Para sa Muling Iibig
Sa pagdating ng iyong iibigin...
Sa kanyang pagdating
Maaaring hindi ka niya pansinin.
Pwedeng sa unang tingin,
Wala ka lang sa kanya, parang hangin.
Maaaring ika’y kanyang balewalain,
Lampasan at hindi man lamang kausapin.
Pwede ka rin niyang itaboy palayo
Pero ‘wag kaagad susuko.
Ang mabuti mong gawin,
Siya ay iyong suyuin.
Ipakita kung gaano siya ka-espesyal,
Kung paano ka magmahal
Dahil baka ang susunod mong iibigin…
Ay maaaring nasaktan na rin.
Baka alam niya kung paanong paasahin.
Baka ‘di niya na rin alam ang ibig sabihin
Kung paanong magmahal, kung paanong mahalin.
Kailangan niya siguro ng muling magtuturo
Kung paano bumangon pagkatapos mabigo.
Isang taong magpapaniwala muli sa paghiling sa mga tala
At sa kung ano ang kayang gawin ng pag-ibig.
Nang sa gayon ay kanyang makita
Na hindi lahat ay magkakapareha,
Na pwede pa siyang lumigaya
Kung may sumugat man sa puso niya.
Pero sa susunod na muli kang iibig…
Gawin ang lahat para siya’y mapasaya
‘Wag hayaang muli niyang maramdaman
Ang sakit at pighati na mismong dahilan
Kung bakit siya natakot na muling ipagkatiwala ang puso sa iba.
‘Wag na ‘wag mo siyang susukuan.
Pagkat ang mahal hindi dapat iniiwan.
Kaunting tiyaga at pang-unawa lang
At kayo rin ang makakatuluyan.
0 comments: