AMY,

Literary (Submission): New Message

2/16/2017 08:51:00 PM Media Center 0 Comments






Sa wakas nakuha ko na rin ang number ni crush.
Text ko na ba siya o mamaya pa?
Hindi na ako mapakali.
Gusto ko na siyang makausap kahit sandal.

Sinend ko na ang unang "hi"
Hindi sumagot. Siguro pag-uwi ko ng bahay.
Habang pauwi biglang may narinig.
Ang "hello" ng aking iniibig!

Tinanong ko kung kumusta na siya.
Kahit nagkita na kami kanina.
At kaagad sumagot na siya,
"Ok lang baby, pauwi na."

Hindi ako makapaniwala.
Tinawag niya ako na baby!
Siguro naman baka nagkamali
Ang sunod na text ay "love you, see you mamaya."

May date ba kami?!
Wala na akong masabi.
Nananaginip ba ako?
Ang pangarap ko'y nagkakatotoo!

Tinananong ko kung mali ba ‘yung nasabi niya.
Sabi niya, “Hindi. Ayaw mo bang tawaging baby?"
Seryoso nga ang nakikita ko.
Kinikilig na ako at nalilito.

"Mahal mo ba talaga ako?"
Sabay sagot "Dati pa."
Sabi ko "Seryoso ka ba?"
Biglang sabi "Anak, ok ka lang ba?"

You Might Also Like

0 comments: