filipino,
Hindi ako sigurado kung maisusulat ko o maisasalin ko sa mga salita ang aking nararamdaman pero susubukan ko.
Naalala ko pa ‘yung araw na binigyan mo ako ng tatlong pulang rosas at isang laruang oso. Ika-apat ng Pebrero taong 2016.
Kasabay nito ay ang pagbigay ko sa’yo ng puso ko. Umuwi ako noon ng nakangiti. Ito ang unang araw ng mga puso na hindi ako mag-isa. Ito ang unang araw ng mga puso na may nagmamahal sa'kin.
Sa mga natirang panahon ng 2016 nasa iyo lang ang puso ko. Nakampante ako na nasa akin din ang iyo. Mahal na mahal na kita, at siguradong mahal mo rin ako.
Nang patapos na ang taon, nagsimula nang lumabo ang lahat. Nasa iyo lang ang puso ko, pero nasa akin pa ba ang iyo? Mahal pa rin kita ngunit mahal mo pa ba ako?
Ika-apat ng Pebrero taong 2017. Ang pulang rosas na iyong ibinigay ay unti-unting naging kayumanggi. Ang mga talulot ng bulaklak ay unti-unting nalagas. Ang rosas ay nalanta. Nawala ka.
Sana sa susunod na magbibigay ka ng rosas para sa iba ay ibigay mo na rin ang puso mo sa kanya.
Mahalin mo siya. Mahalin mo siya hangga't sa maubos ka. Kagaya ng pagmamahal ko sa’yo.
Ipaglaban mo siya kahit anong mangyari at 'wag na 'wag mo siyang susukuan. 'Wag mo siyang susukuan kagaya ng nangyari sa atin.
Kapag nagkakalabuan na, gawin mong malinaw na mahal mo siya. Yakapin mo siya at patahanin kapag siya'y umiiyak.
Ibigay mo ang lahat sa kanya. Ibigay mo sa kanya ang pagmamahal na hindi ko naramdaman. Ibigay mo sa kanya ang lahat ng pagmamahal na para sa akin.
At para sa babaeng pagbibigyan mo ng mga rosas,
Gusto kong malaman mo na maswerte ka. Aalagaan mo yan ha? Kasi hanggang ngayon nasa kanya pa rin ang puso ko. Kasi hanggang ngayon mahal ko pa siya.
Literary (Submission): Para kay F

0 comments: