academics,
Nakuha ng University of the Philippines Integrated School (UPIS) ang ikalawang gantimpala sa DAGITAB, isang Electronics Workshop and Contest, noong ika-18 ng Pebrero sa Computational Science Research Center (CRSC).
Nagwagi ng ikalawang gantimpala sa paligsahan sina Julianne Sasing ng Grado 8, at Christian Sarabia ng Grado 9. Pitong puntos ang lamang sa kanila ng kampeon mula sa Philippine Science High School habang nakamit naman ng Manila Science High School ang ikatlong puwesto.
“Masaya siya, marami akong natutunan kasi parang it was more of a learning experience rather than a competition. Naramdaman ko na although focused kami sa pagkuha ng points, mas focused pa rin kami sa kung anong pinapagawa sa amin,” pagbabahagi ni Julianne Sasing ukol sa kaniyang karanasan sa patimpalak.
Lumahok din sa nasabing paligsahan si Marius Barcenas na kinatawan ng isa sa mga team na ipinadala ng UPIS. Sina G. Raffy Ibanez at Prop. Regina Taduran ang tumayong tagapayo ng mga kalahok na estudyante.
Ang DAGITAB ay isang patimpalak ng UP Engineering Radio Guild (UP ERG) na nilalayong mahasa ang interes sa Electronics at Engineering ng mga estudyante. Nagkaroon ito ng limang session sa loob ng isang buwan kung saan tinuruan ang mga kalahok ng basic electric circuit and logic circuit analysis, basic programming, at microcontrollers.// nina Chesca Santiago at Marianne Sasing
News: UPIS, nakamit ang ikalawang gantimpala sa DAGITAB
Nakuha ng University of the Philippines Integrated School (UPIS) ang ikalawang gantimpala sa DAGITAB, isang Electronics Workshop and Contest, noong ika-18 ng Pebrero sa Computational Science Research Center (CRSC).
Nagwagi ng ikalawang gantimpala sa paligsahan sina Julianne Sasing ng Grado 8, at Christian Sarabia ng Grado 9. Pitong puntos ang lamang sa kanila ng kampeon mula sa Philippine Science High School habang nakamit naman ng Manila Science High School ang ikatlong puwesto.
UPIS PRIDE. Nagwagi sa sina Julianne Sasing (kanan) at naging kinatawan din ng UPIS si Marius Barcenas (kaliwa) sa katatapos lamang na DAGITAB 2017. Photo credits: G. Rafael Ibanez |

0 comments: