danna sumalabe,

Feature: Ang Pagbabalik Lupa

2/27/2017 08:37:00 PM Media Center 0 Comments


Kasabay ng selebrasyon ng UP Diliman Month 2017 na may temang Saysayan: K’wentong Bayan, Kaalamang Bayan, ipinagdiriwang din ang National Arts Month sa Diliman sa pamamagitan ng Sansinukob: Isang Art Installation na Eksibit na makikita sa Amphitheatre, UP Lagoon at sa CMC Hill sa buong buwan ng Pebrero.

SANSINUKOB. Ipinagdiriwang ang National Arts Month sa pamamagitan ng paglulunsad ng isang Art Installation  kasabay ng pagdiriwang ng UP Diliman Month 2017.
Photo credit: UPD Office for Initiatives in Culture and the Arts
Makikitaan ang nasabing eksibit ng anim na artworks na likha ng pitong magagaling na artist. Kasama na dito ang obra ng tinaguriang Iron Man ng UPIS na si Sir Anton Del Castillo. Ang kanyang artwork na "Ang Pagbabalik Lupa” ay sumisimbolo sa Lupa-on na hango sa kwentong “The Depature of Gods” ng mga Kalinga. Ito ay nagpapakita ng hati sa pagitan ng mga Diyos at sangkatauhan sa pamamagitan ng isang babaeng puno ng pangamba habang pababa ng hagdanan. Mayroon itong taas na 18 na talampakan at may lawak na 5 na talampakan. Gawa ang hagdan sa bakal habang ang istruktura naman ng babae ay gawa sa fiberglass. Sinisimbolo ng babaeng balot sa tela ang katawan sa harap ng hagdan ang “act of shamelessness”, siya ay babagsak sa lupa ng nakahiga at unti-unting tatayo. Nakamamanghang isipin na nagawa ang likhang ito sa loob lamang ng apat na buwan.

ANG PAGBALIK SA LUPA. Ang obrang ito ay likha ng guro at artistang si Anton Del Castillo na tampok sa  “Sansinukob: Isang Art Installation." matatagpuan sa harap ng Amphitheatre. Photo credit: Anton Del Castillo
Ngunit bukod kay Del Castillo at ang kaniyang “Ang Pagbabalik Lupa” makikita din ang “Mebuyan sa Idalmunon “ ni Rita Badilla-Gudino, “Agtabayon” ni Leeroy New, “Langit-non” ni Reg Yuson , “Kahanginan” ni Leo Abala at “Emptiness” nina Junyee at Gerry Leornardo, sa nabanggit na eksibit.
Kilala sa UPIS dahil sa kaniyang istrikto ngunit masayang pagtuturo si Sir Anton, na simula pa noong 2001 ay nagtuturo na Art sa UPIS. Ayon sa kaniya, maituturing na “Destiny” ang pagtuturo niya dito sapagkat hindi niya naman ito inaasahan at bigla na lamang dumating. Kwento niya, isang post mula sa College of Fine Arts ang pinagsimulan ng kanyang paglalakbay sa pagtuturo nang sinubukan niyang mag-apply sa naturang post habang siya ay kumukuha ng kaniyang masters degree.
Sa labing anim na taon niyang pagtuturo, aniya, nagiging “memorable” o tumatatak sa kaniya kapag nakakakita siya ng mga estudyanteng kumukuha ng kursong Fine Arts. ‘’ In short marami na akong nabobola na maging artist din.’’ Biro ni Sir Anton.//Hanna David, Jaja Ledesma, Danna Sumalabe 

You Might Also Like

0 comments: