filipino,
“Tara, kain.”
‘Di ko na inangat ang tingin ko mula sa pagbabasa ko. Alam ko naman kasing ikaw ‘yan. Ikaw lang naman kasi ang taong mahilig magpasama sa akin sa canteen.
“Ang aga-aga pa, gutom ka na agad?”
Pabagsak kang umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko. Alam kong sinisimangutan mo ako.
Kahit gustong-gusto na kitang tingnan at pagtawanan dahil sa pagmumukha mo, pinipigilan ko.
Baka kasi ‘di ko mapigilang may lumabas sa mga labi ko na hindi ko na pwedeng ibalik. Mamaya pagsisihan ko pa.
“Ano ba ‘yan! Sige na, samahan mo na ako. Sige na.”
“Ang dami-dami mong kaibigan dito sa room na’to na willing kang samahan. Bakit ako pa?“
“Kasi gusto kita.”
Agad akong napatingin sa’yo.
Umaalingawngaw sa tainga ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. ‘Di ako makahinga, parang sasabog dibdib ko.
“Ano? Seryoso ka?”
“Gusto kitang kasama kasi alam kong hindi ka hihingi sa akin ng pagkain.”
Anak ng tikoy.
Nawala na parang bula ‘yung kilig ko.
‘Di ko napigilan ang sarili ko na ipalo sa’yo ‘yung binabasa kong libro.
Ramdam ko ang unti-unting pag-init ng buong mukha ko habang tawa ka naman nang tawa.
Alam kong masakit ang paghampas ko sa’yo pero walang tigil ka pa rin sa pagtawa, kaya sa iniis ko iniwan na kita at inunahan kang pumunta sa canteen.
“Uy teka!”
‘Di na kita hinintay, alam ko namang maaabutan mo ako.
Nagulat ako nang biglang may brasong bumalot sa mga balikat ko. Nilingon ko ‘yung taong ‘yun at nakita kitang wagas kung makangiti.
Nakakainis.
Isang ngiti mo lang pero napapabalentong mo na ‘tong puso ko.
Ang totoo ayokong maramdaman ‘to, kasi natatakot ako na hindi mo ako seryosohin. Sa pag-kakaalam ko kasi wala ka pang sineseryoso sa buong buhay mo. Lahat sa’yo biro. Kaya nga pinipigilan ko ang sarilli kong mas lalong mahulog sa’yo. Mahirap nang mahulog kung wala namang sasalo.
Pagkapasok natin sa canteen, agad kang dumiretso sa snack bar, habang papunta na ako sa mga mesa malapit sa salamin. Paupo na sana ako nang may mapansin akong kakaiba.
Tiningnan ko ‘yung salamin sa gilid ko.
“TARA PROM?”
Nakasulat ito sa salamin gamit ang mga kinulayang straw ng tetra pack. Natawa ako at tatawagin na sana kita pero pag-lingon ko, nalunok ko ang mga salitang sasabihin ko.
Nakita kitang may hawak na isang bouquet ng mga tsokolate at nakatingin ka sa akin.
Umaalingawngaw sa tainga ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
‘Di ako makahinga, parang sasabog dibdib ko.
‘Di ako makagalaw.
‘Di ko alam kung anong gagawin ko.
Totoo ba ‘to?
“Tara, prom?”
Sinabi mo ‘yung nakasulat sa salamin. Seryoso kang nakatingin sa akin.
“Teka, seryoso ka? Pero bakit ako? Ang dami-dami namang babaeng nagkakagusto sa---“’
” Kasi gusto kita.”
Tinaasan kita ng kilay.
“Dahil ano? Hindi kita aagawan ng pagkain sa prom?”
Natawa ka naman sa sinabi ko, naramdaman kong uminit ang mukha ko dahil sa kahihiyan.
“Gusto kita, period. Kailangan bang may dahilan para magustuhan kita?”
Lumapit ka sa akin at binigyan mo ako ng ngiting naging puno’t dulo ng tuluyang pagkahulog ko.
“Gusto kita… At seryoso ako dun.”
Literary (Submission): Tara?

0 comments: