filipino,

Sports: UPIS TNF at VST, nakarating sa NCR Meet

2/27/2017 08:34:00 PM Media Center 0 Comments


Lumahok ang ilang miyembro ng University of the Philippines Integrated School Track and Field at Varsity Swimming Team bilang kinatawan ng Quezon City sa taunang National Capital Region (NCR) Meet na ginanap noong Pebrero 14-17 sa Marikina Sports Center.

Nag-uwi ng 2 gold, 6 silver at 4 bronze medals ang mga atleta ng UPIS Swimming Team. Pinangunahan ang koponan ng senior na si Drew Magbag na nakapagtala ng 2 gintong medalya sa 100m at 200m breaststroke, at 2 bronze medals sa 4x50m, kung saan kasama niya si Joshua Sedurante, at sa 4x100m relay.

"It feels great to represent the whole NCR and of course UP, too," sabi ng UPIS VST Senior na si Magbag, nang tanungin siya tungkol sa kanyang naging karansanan. "Malakas (ang) mga kalaban and intense. Plus it was also a good experience at saka learning and meeting new people." Idinagdag naman ni Isabel Baclig na nakasungit din ng isang bronze sa 4x100m freestyle relay.

ATLETANG ISKO. Nirepresenta ng ilang mga miyembro ng UPIS Varsity Swimming Team ang Quezon City Team sa nakaraan NCR Meet sa Marikina Sports Center. Photo Credit: Drew Magbag

Humakot din ng 3 silver medals si Zoe Hilario sa kanyang 200m freestyle, 4x50m at 4x100m medley relay kung saan kasama niya si Charize Esmero. Nag-uwi rin si Esmero ng kabuuang 3 silver medals mula naman sa 400m backstroke at sa mga nasabing relay.

Dahil sa kanilang pagkapanalo, lalahok sa Palarong Pambansa sina Drew Magbag at Zoe Hilario upang irepresenta sa NCR ang UPISVST. Gaganapin ang paligsahan sa Antique.

Samantala, nagkamit naman ng bronze ang kinatawan ng UPIS Track and Field team na si Gyles Abac matapos nitong kuhain ang ikatlong puwesto sa 2000m walk.

“Ako lang ang taga-UP na kasali sa palarong NCR, ako lang representative ng QC sa walk at representative ng UPIS sa athletics,” pagbabahagi ni Abac.

May posibilidad na uusad din si Abac sa Palarong Pambansa dahil sa pagkapanalo at magandang performance na ipinakita niya sa NCR Meet. // nina Maica Cabrera, Jaggie Gregorio, Nathan Ramos

You Might Also Like

0 comments: