filipino,
2012. Periodic Test.
May isang oras na break sa pagitan ng exam sa Science at Filipino.
Nakatanggap ako ng isang text mula sa’yo.
Nasa library ako, pumunta ka dito :)
Sa mga oras na iyon, kumakain ako ng siomai sa tindahan ni Aling Norms sa may Lovers Lane na di naman kalayuan sa library. Di ko alam kung matutuwa ako o ano, pero sa kaba ko, nabilaukan ako sa kinakain kong siomai.
Sa isip ko, tinatanong ko kung ano naman kayang naisip mo at pinapapunta mo ako sa library? At sa lahat ng lugar, bakit sa library? Di ka naman mahilig magbasa, at lalong di ka naman nag-aaral.
“Uy sandali lang ah. May pupuntahan lang ako sandali,” sabi ko sa mga kaibigan kong kumakain din ng siomai habang nagbabasa ng Ibong Adarna.
Di na ako nag-reply sa text mo dahil alam kong alam mo naman na pupunta ako. Alam ko rin namang alam mo rin na hindi ako hihindi sa’yo. Inamin kong gusto kita kahit alam kong may gusto kang iba. Gusto ko na ring tigilan itong kalokohan na ito dahil alam kong wala namang mararating. Ngunit heto ako, papunta pa rin sa’yo.
Nakarating na ako sa library. Wala ka sa labas na bahagi ng lib kaya naisipan kong pumasok sa loob kung saan nakalagay ang karamihan sa mga libro.
Nakita kita. Nakita mo ako. Naupo ako sa harap mo. Isang malaking lamesa ang pagitan natin.
Kahit na malayo ako sa’yo, kita ko sa mga mata mo ang kalituhan at kalungkutan. Alam kong may di magandang nangyari.
“May sasabihin lang ako sa’yo,” sabi mo, habang nakatingin sa mga sapatos mo. Ramdam ko ang lungkot sa boses mo. Gusto kong malaman kung anong sasabihin mo ngunit mukhang di pa ko handa.
“Ano?” mahinang sabi ko. Hindi ko alam kung narinig mo. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko dahil sa kaba. Ang intense, grabe.
Tinignan mo ako sa mata. “Nakapagdesisyon na ako.”
Di ako nakaimik. Nakalimutan ko na kung anong huli nating pinag-usapan para sabihin mo sa’kin ‘yan. Ngunit mabilis na bumalik sa akin ang alaala ko. Humingi ka nga pala ng panahon para makapag-isip. Dahil sa akin, naging magulo ang isip mo. Mabuti naman at nakapag-isip-isip ka na.
“Ang pinipili ko ay si …”
Naramdaman kong nangingilid ang mga luha ko. Mahirap man tanggapin at gusto ko man umiyak, pinigilan kong tumulo ang luha ko. Ngumiti ako.
“Ah. Teka tinext na ako ng mga kasama ko. Hinahanap na nila ako,” palusot ko para lang makaalis sa harap mo.
Lumabas ako ng library at tuluyang pumatak ang mga luha ko.
Hindi ako. Hindi ako ang pinili mo.
2018 Graduation
“Stay strong kayo ah.”
“Oo naman! Kayo rin ah.”
2022 Tamang Panahon
Nagmamadali akong tumakbo pababa sa tambayan ng org para hanapin ka. At nang marinig ko ang tawa mo, alam ko na agad na malapit ka lang sa hagdan. Kaya naman, habang papalapit ako, pabagal din nang pabagal ang paglalakad ko.
Nasa likod mo na ako. “PUMASA KA SA --- ”
“AY @(÷*/!+¥*”?);:!# HAYOP KA!!!”
Sa tindi ng tawa ko, di na ako makahinga. Di ko na rin masabi nang maayos sa’yo ang nakakagulat na balita ko.
“Walang hiya ka. Humiwalay ata kaluluwa ko sa katawang lupa ko,” sabi mo, na di malaman kung matatawa rin o maiinis sa’kin. “Huli ka na sa balita. Alam kong nakapasa ako.”
Ay ganoon ba. Lagi naman akong huli. Okay lang, sanay na.
Sa di ko inaasahang pagkakataon, niyakap mo ako. “Huy, salamat ah. Tinuruan mo ako kahit ang dami mong ginagawa. Labas tayo mamaya, bababawi ako sa’yo. Di ka naman humihindi sa libre, di ba?”
Ayos din ah. Kilalang kilala mo na talaga ako. Siyempre hindi ako hihindi sa’yo.
Pagdating sa kainan na ginagawa nating library, bumili ka agad ng pagkain. Ako naman, naglabas ng laptop at nagsimulang mag-type ng thesis.
“Di ka ba nagsasawa dito?” tanong ko sa’yo. Halos linggo-linggo kasi tayong kumakain doon.
Ngumiti ka. “Hindi. Ang dami na nga nating memories dito eh. Ang dami kong naalala ‘pag nandito ako… tayo.”
“Eh ‘yong ginawa mo sa’kin ‘nong Grade 7 tayo naaalala mo pa ba?” sabi ko, sabay tawa ng malakas. Rinig na rinig sa buong kainan ang tawa ko.
Parang maiiyak ka na sa kahihiyan habang nagtatago sa likod ng laptop ko. “’Yan ba ‘yong sa lib? Grabe nakakahiya. Sorry na po,” mangiyakngiyak mong sinabi sa akin. Natatawa na lang ako sa’yo.
“Grabe ‘no, sampung taon na pala ‘yon. Parang kailan lang, di pa puro thesis inaatupag ko.”
“Oo nga eh. Pero ikaw, di ka pa rin nagbabago kahit naghiwalay na kayo, hanggang ngayon mataray ka pa rin, pero mabait, matalino, at ikaw pa rin ang personal tutor ko. At hanggang ngayon ako pa rin ang gusto mo,” sabi mo, sabay kindat na may kasamang nakakaasar na tawa.
Gusto ko man ibato sa’yo ang laptop ko, hindi na lang. Sayang effort. Pero ikaw, nagbago ka na simula nang magkahiwalay kayo. Hindi na ikaw ‘yong iyakin na batang kilala ko. Di ka na rin mabilis mapikon. Pero mabait ka pa rin, pasaway minsan, at di ka pa rin nag-aaral. At lalo ko pang nakilala ang bagong ikaw noong mas maging malapit tayo nang magkolehiyo na.
Simula nang makalipat ka dito, ikaw na ang lagi kong kasama. Pano bang hindi, eh sa dinamirami ng kurso, kaparehong kurso ko pa ang napili mo. Minsan wala na rin akong choice kundi tulungan ka sa pag-aaral mo, kaya mas napalit talaga ako sa’yo.
“Huy, salamat pala sa libre ngayon ah. Feeling ko ang swerte ko kasi natulungan na kita, libre pa lunch ko.”
Ngumiti ka lang. Pero di basta bastang ngiti kundi ngiting abot tenga. Lalong sumingkit ang mga mata mo.
“Ako nga dapat magpasalamat sa’yo eh. Kung hindi dahil sa’yo, baka bumagsak na ko sa long test last week,” napangiti lang din ako at tumuloy sa pagta-type ng thesis. “Kung feeling mo swerte ka, feeling ko mas swerte ako.”
“Ha? Paano?” natatawa kong tanong habang patuloy sa pag-type.
“Kasi naman, pumasa na ako sa long test, may date pa ako sa crush ko.”
Natigilan ako. Natulala. Namula, siguro. Nagulat, sobra. Akala ko tapos na ‘to. Akala ko wala nang happy ending ang malungkot na kwento nating dalawa.
Siguro nga hindi lahat ng nabubuong samahan noon ay nananatiling buo, ngunit hindi rin naman pala lahat ng nasisirang samahan ay hindi na maaaring mabuo ulit.
“Hindi. Mas swerte ako, dahil sa wakas, pinili mo na rin ako.”
Literary (Submission): Sa Tamang Panahon

0 comments: