3-6,
Nagtamo ng minor injury ang isang mag-aaral ng Grado 5 matapos hampasin ng street children sa tapat ng UP School of Economics noong nakaraang linggo.
Pauwi na ang biktima at ilang kamag-aral nito nang paluin ng kawayan sa batok ang nabanggit na estudyante. Ayon sa mga mag-aaral, sinubukan pang batuhin ng street children ang grupo nila nang makita at mapigilan ito ng isang dumaarang concerned parent mula sa K-2.
Bago ang insidente, nauna nang inagaw ng street children ang nahulog na pera ng biktima. “Pagkatapos po naming maglaro sa sunken garden, nawala po ‘yung pera ng isa kong kaklase at nakita po naming pinulot ng street children. ‘Di na po namin pinatulan pero po nung pauwi na kami bigla na lang akong hinampas sa ulo,” pagbabahagi ng biktima ukol sa insidente.
Naiulat na sa paaralan ang insidente at kasalukuyang nireresolba ang isyu sa ilalim ng pangangasiwa ng administrasyon ng paaralan.// nina Bryan Lina at Beca Sinchongo
News: UPIS student, nabiktima ng street children

0 comments: