ask.MC,

Ask.MC: Anong pinakagusto mo kay teacher?

10/12/2017 09:03:00 PM Media Center 0 Comments



Ngayong Oktubre, ipinagdiriwang ang World Teachers’ Month kung saan binibigyang pagkilala ang mga dakilang guro na itinuturing din nating mga nanay at tatay. Ano ang bagay na paborito mo sa iyong guro? Kung ang mga tulad naming nasa hayskul ay tiyak na maraming masasabi sa tanong na iyan, ano naman kaya ang pagpapakahulugan ng mga estudyanteng nasa K-2 sa kanilang mga guro?





Sa likod ng kanilang mga simpleng kasagutan masasabing malaki ang parte ng mga guro sa kanilang mga buhay. Kapuri-puri talaga ang ating mga guro dahil sa kanilang ‘di-matatawarang dedikasyon sa pagtuturo. Hindi lamang sila nagtuturo ng Math, Science, English o Filipino, kundi pati ng mga bagay na hindi natututunan sa kahit anong asignatura.

Kahanga-hanga talaga ang kanilang tibay ng loob, walang-sawang pagtitiyaga at pagiging mabuting halimbawa. Kaya para sa lahat ng aming mga guro, maraming salamat sa araw-araw na pagpasok sa paaralan upang kami’y maturuan. Isang maligayang Buwan ng mga Guro po sa inyong lahat! //nina Max Salvador, Zach Jugo at Hanna David

You Might Also Like

0 comments: