filipino,

Literary (Submission): Kung Iba Ang Nangyayari

10/13/2017 09:09:00 PM Media Center 0 Comments





Ang sabi mo sa akin, “Hindi na kita gusto”
Akala ko importante ako sa buhay mo, ngunit
Sabi mo sa akin, “Ayoko na”
Paiyak na ako sa mga binibitawan mong salita
Inaalala ko ang mga panahong magkasama tayo
“Gusto ko sanang maging parte ng mundo mo, pero…”
Nakatingin ka sa aking mga mata
“Sana umoo ka,” ang sabi ng boses mong nanginginig
Tumingin ako sa lupa, naiintindihan ang gusto mong sabihin
Iniisip ko ang lahat ng posibleng mangyari
Naroon ka, at hinawakan ang aking mga kamay
“Sana pumayag ka”

(Basahin mula sa baba pataas)

You Might Also Like

0 comments: