carlos laderas,
Inuwi nina Roni Kessel at Lea Lagunilla ang silver at bronze medal sa nakaraang 2017 Smart National Inter-School Taekwondo Championships noong Setyembre 30 hanggang Oktubre 1 sa Rizal Memorial Coliseum.
Nanaig sina Kessel at Lagunilla laban sa 36 pang ibang manlalaro mula sa iba’t ibang paaralan tulad ng De La Salle University, University of the East, Philippine Science High School, at iba pang mga unibersidad. Ilang mag-aaral rin mula sa elementarya at hayskul ng UPIS tulad nina Arianne Manoos, at Charlize Yamo ang lumahok sa nasabing kompetisyon.
Ipinahayag ng parehong grade 9 student ang kanilang kagalakan sa kanilang mga natamo. “Masaya at nakaka-proud at the same time kasi kahit bronze ay mahirap makuha sa nationals,” Pagbabahagi ni Lagunilla. “Sobrang saya dahil naramdaman po namin na sulit at worth it lahat ng pinagdaan naming hirap sa training,” Dagdag naman ni Kessel.
Ibinahagi rin nila ang naging masinsinan nilang pag-eensayo para sa naturang kompetisyon. Bukod sa mga cross-trainings na kanilang pinagdaan upang matuto ng iba’t ibang fighting styles, marami pang naging paghahanda ang dalawa. Kasama rin sa kanilang mga preparasyon ang pagbabawas ng kanilang pagkain ilang linggo bago ang kompetisyon.
“Araw araw po ako nagttraining sa bahay...Tapos po nagbawas din po ako ng kain, di po ako kumain ng carbs 3 weeks bago yung competition para po makapasok sa target kong weight category,” Paliwanag ni Kessel.
Sa kasalukuyan, iilan lamang ang miyembro ng UPIS Taekwondo team pero umaasa silang higit itong madaragdagan sa mga susunod na taon. //nina Carlos Laderas at Maica Cabrera
Sports: Kessel, Lagunilla umangat sa Smart National Inter-School Taekwondo Championships

Good job UPIS Girls Taekwondo
ReplyDelete