filipino,

Literary (Submission): Paggising

10/13/2017 08:36:00 PM Media Center 0 Comments





        Hindi ko lubos maisip kung bakit ganito. Tila ako’y nananahan sa isang panaginip. ‘Yung “mahal kita, pero mahal mo siya” tila’y naglaho na. Sa paglaon ay nagising ako sa katotohanang ako’y hindi sa’yo at kailanma’y hindi magiging tayo. Oo masakit, pero bahala na.

        Sa aking paggising, bumalik ang lahat ng sakit, ang lahat ng nasayang na oras sa pag-iisip. Kung mabuti ba ‘yung kalagayan mo, kung may problema ka ba— ikaw lang ang naging tanging laman nitong aking isipan.

        Ngunit nang iyong malaman na ika’y gusto ko, bigla kang lumisan.

        Natakot ka ba o sadyang ayaw mo sa’kin?

        Bigla ka na lang lumayo. Pasensya ka na kung ika’y aking nagustuhan, ito ba’y maituturing na kasalanan?

        Hayaan mo, ako ngayon ay lilisan.

        Matutulog na lang nang mahimbing na mahimbing at ‘di na muli pang gigising.

You Might Also Like

0 comments: