filipino,

Pagtatalaga ng Star Scouts, idinaos

10/26/2017 08:24:00 PM Media Center 0 Comments



PANUNUMPA. Sabay-sabay na sumaludo ang scouts sa harap ng kanilang mga magulang at guro habang binibigkas ang Pangako ng Star Scouts. Photo Credit: Geraldine Tingco

Ginanap ang taunang pagtatalaga sa bagong Star Scouts noong Oktubre 23 sa UPIS Gymnasium.

Itinalaga ang 24 mag-aaral mula Grado 1 hanggang Grado 3 at siyam na Parent Star Committee Officers bilang mga bagong kasapi ng iskawting.

Nagtalumpati ang panauhing pandangal na si Bb. Vicka Marie Siddayao, dating Troop Leader ng North Star. Ibinahagi niya ang tungkulin ng isang mabuting iskawt at hinikayat ang mga dating kasapi na gabayan ang mga bagong miyembro.

Ayon kay Bb. Jehna Rowena Narciso, kasalukuyang Troop Leader ng Star Scouts, “Matututunan nila ang pagiging independent, ang makihalubilo sa ibang tao hindi lang sa kanilang mga ka-grade level, at disiplina sa iskawting.”

Magkakaroon ng Day Camp ang Star Scouts kasama ang Kab Scouts sa Nobyembre 25. //ni Geraldine Tingco


You Might Also Like

0 comments: