carlos laderas,
Naging matunog na isyu sa pagbubukas ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 80 ang hindi pagpapahintulot na makapaglaro ang University of the Philippines Men’s Basketball Team (UPMBT) rookie, Rob Ricafort para sa Fighting Maroons ngayong season. Ayon sa UAAP Board of Trustees (BOT), hindi maaring maglaro ang 24-year-old rookie dahil nakasaad sa UAAP Rules na hanggang edad 25 lamang ang pinahihintulutang maglaro para sa kanilang eskwelahan.
Kahit na sa Enero pa siya tutuntong sa edad na 25 at may isang buwang pagitan ang kanyang kaarawan sa pagtatapos ng UAAP season 80, hindi pa rin siya pinayagang makapaglaro. Kaya’t nagmumukhang malabo ang ibinigay na rason ng UAAP BOT ukol sa isyung ito. May mga nagsasabing hinahaluan ng pulitika ang kompetisyon dahil sa hindi pagpanig ng UAAP BOT sa UP. Naungkat rin ang isyu ng pagkakalulong sa ipinagbabawal na gamot ni Ricafort. Naging isyu rin ang desisyon na hindi paglaruin si Ricafort dahil matatandaang pinayagan ng UAAP na makapaglaro si Jamil Sheriff ng University of Santo Tomas (UST) kahit na 10 araw ang pagitan ng kanyang kaarawan at ng pagtatapos ng season 79 noong nakaraang taon. Tila lumalabas na hindi naging patas sa pagbuo at pagbibigay ng desisyon ang UAAP BOT lalo pa’t inilabas lamang nila ang desisyong ito tungkol kay Ricafort ilang araw bago ang mismong laban ng UP sa UAAP season 80.
Nakisimpatya sa protesta ng UPMBT at ni Ricafort ang mga estudyante’t manlalaro mula sa iba’t ibang paaralan at ang mga tagasubaybay ng UAAP tulad nina Jimmy Alapag, at Keifer Ravena na nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa desisyon ng BOT.
Madalas at nagiging karaniwan na ang pagkakaroon ng mga isyu kaugnay ng mga alituntunin sa mga kompetisyon. Ngunit ang pagsunod rito ay isang mahalagang aspeto na dapat rin namang isabuhay ng bawat atleta. Kung hindi sumunod ang isang atleta sa patakarang itinakda, dapat siyang tumanggap ng karampatang parusa pero kung siya ay sumunod naman sa lahat ng proseso at patakarang kailangang niyang pagdaanan, bakit natin siya tatanggalan ng karapatang maglaro?
Para sa mga atleta, ang paglalaro para sa kanilang eskwelahan sa mga iginagalang na mga kompetisyon tulad ng UAAP ay isang malaking bagay. Dito nila naipapakita hindi lamang ang kanilang talento kundi pati na rin ang pagpupugay nila para sa kanilang mahal na unibersidad. Isa ring karangalan para sa kanila ang maibandila ang kulay ng kanilang eskwelahan at maipakita sa iba kung sino sila at ano ang kaya nilang gawin. Isang akto rin nang pagiging dakila ang pag-aalay ng bawat laban para sa pangalang nasa harap ng kanilang mga jersey bago ang pagpapakitang gilas para sa pangalang dala-dala nila sa likod ng kanilang mga damit. Kaya’t isang kasiyahan, karangalan, at karapatan para sa kanila ang makapaglaro sa mga kompetisyon.
Bukod pa rito, hindi mo maaring alisan ng karapatan at pangarap na maglaro ang isang atleta dahil sa mga personal na isyung kinaharap nito. Magkaibang karakter ang tinataglay ng mga atleta sa loob at labas ng kanilang sport kaya naman hindi dapat maging basehan ng karapatan ng isang manlalaro ang kanyang mga pansariling problema at isyung mga kinahaharap. Ang karapatang makapaglaro rin kasi ay maaring isa rin nilang paraan upang patunayan sa kanilang sarili kung anong klaseng tao at manlalaro sila. Sapagkat ang tingin ng isang manlalaro sa isport niya ay hindi lamang isport kundi isang paraan upang ipahayag ang kanilang sarili. Paraan din nila ito para makaahon sila sa dating pagkalugmok, sa kaso ni Ricafort, paraan niya ito upang makaahon mula sa mga pinagdaanang pagsubok sa buhay.
Para naman sa mga institusyong gaya ng UAAP, ang mahigpit na pagpapatupad ng mga alituntunin ay isang magandang gawain upang matuto ang bawat manlalaro sa pagsunod sa mga ito. Higit sa anu pa man, kailangan ding maging patas ang pag-iimplementa nito tulad ng nangyari kay Sheriff ng UST. Hindi maaring ang batas ay ipapataw lamang sa iilang manlalaro o teams pero may pinapanigang iba. Ang batas at mga alituntunin ay ginawa upang sundin ng buong sistema kaya marapat lamang na kung magiging istrikto ang institusyon sa iilang tao, dapat ay gawin rin nila ito sa iba.
Ang laban ng mga atletang ay higit pa sa mga laro. Higit pa ito sa pagpapagalingan sa iba’t ibang larangan. Isa itong laban ng karakter at pagkatao. Hindi ito kagaya ng pag-aaral sa eskwelahan na may libro na gagabay sa iyo. Sa mundo ng isport, ang pagkabigo ang nagiging gabay at ang bawat tagumpay ay ang nagiging insipirasyon. Kaya bakit natin tatanggalan ng karapatan ang isang atletang makapaglaro kung ang tanging hangad niya ay ang gawin ang gusto niya, matuto mula sa mga karanasan at tagumpay, at dalhin ang kulay ng kanyang paaralan? //nina Carlos Laderas at Ronnie Bawa Jr.
Sports: Laban ng Bawat Atleta
Photo Credit: Jem Torrecampo |

0 comments: