feature,
Hindi na bago sa atin bilang mga estudyante ang hell week. Ito ang dalawa o tatlong linggo bago ang Periodic Tests kung kailan tinatambakan tayo ng mga kailangang gawin. Para bang nakatakda na tayong dumaan sa ganitong paghihirap tuwing patapos na ang kwarter. At dahil lahat tayo ay naghihirap sa mga ganitong pagkakataon, narito ang ilang dapat tandaan upang HINDI mo ma-survive ang hell week.
1. Rest and Relaxation
2. Amnesia Therapy
Mabuti ang hindi paglilista ng mga kailangan mong gawin upang makaligtaan mo ang lahat ng ito. Projects? Homeworks? Deficiencies? Wala ‘yan! Hintayin mo na lang na mabanggit ‘yan sa usapan ninyong magbabarkada. At kapag narinig mo na ang mga salitang “reflection paper” ay mapapasigaw ka na lang bigla at magbe-breakdown sa canteen dahil noong araw na iyon na pala ang deadline.
3. Travelling and Wanderlust
Dahil marami ka ngang gawain, ito ang perpektong oras para ika’y gumala. Pumunta ka sa mall, sa parke, sa Mars, o kaya sa bahay ng kaibigan mo para may karamay ka, basta hindi sa bahay! Mainam ito upang maubos ang oras mo na dapat ay nakalaan sa paggawa ng mga takdang-aralin. Kunwari na lang marami ka pang oras at malayo pa ang deadline ng suring-pelikula mo, o ‘di kaya ng reflection paper mo sa STSE. Kasi nga naman, mas masaya talagang gumastos sa kung anu-ano at magpakasaya kaysa sa umupo sa bahay… Boriiiing.
4. Recreation
Maganda ang pagsubok sa mga bagong libangan tuwing hell week. Matatanggalan ka na ng stress, dagdag creativity points pa! Gamitin mo na ‘yung watercolor mong inaalikabok na. Ilabas mo na ang panggantsilyo ni Lola. Gusto mo mag-silk screen printing sa mga damit? GO! Nakatutulong ang paggawa ng mga bagay na wala namang grade at pampersonal lamang para tunay na bumaba ang grado mo, mapa-minor man ‘yan o major subject.
5. Bonding Time with Friends
Alam nating lahat na mahalaga ang mga tao tulad ng mga kaibigan sa ating buhay. At sa mga panahong gahol ka na sa oras at damang-dama mo na ang stress—
kailangan mo ng karamay. Ngayon mo sila pinaka-kailangan! Magyaya ka ng biglaang outing, kumain kayo sa labas, kahit makipagkwentuhan ka lang, sapat na. Sulitin mo na ang mga taong nagmamahal sa ’yo. That’s what friends are for nga, di ba?
Ilan lamang ang mga ‘yan sa mga dapat tandaan para mawala ang stress na dulot ng hell week. Oo, wala kang magagawang requirements, pero kalmado naman ang utak mo at super ready ka na para sa Periodic Test (hindi ka nga lang nakapag-aral)! //ni Storm Gatchalian
Feature: How Not To Survive Hell Week
Hindi na bago sa atin bilang mga estudyante ang hell week. Ito ang dalawa o tatlong linggo bago ang Periodic Tests kung kailan tinatambakan tayo ng mga kailangang gawin. Para bang nakatakda na tayong dumaan sa ganitong paghihirap tuwing patapos na ang kwarter. At dahil lahat tayo ay naghihirap sa mga ganitong pagkakataon, narito ang ilang dapat tandaan upang HINDI mo ma-survive ang hell week.
1. Rest and Relaxation
https://i.pinimg.com/736x/d1/df/6f/d1df6f9e05d7fb68363e3df2fafc7908--study-techniques-study-methods.jpg |
Kung ika’y pagod, matulog ka. Kung marami kang gagawin, matulog ka. Kung nasa klase ka, matulog ka. Pangunahing elemento ang pagtulog upang wala kang magawang requirements. Dahil paano ka nga naman magbabasa, magsusulat, at mag-aaral kung okupado ka sa pag-idlip at pagbibilang ng mga tupa?
2. Amnesia Therapy
https://hitraveltales.com/wp-content/uploads/2015/04/sophie-scholl-memorial-scattered-papers-in-munich.jpg |

0 comments: