alex yangco,
Sa kauna-unahang pagkakataon, lumahok sa isang news writing at photography workshop ang mga kasapi ng Balitang K-2 noong Oktubre 23 sa UPIS K-2 Building.
Dumalo ang 22 mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grado 2 sa isinagawang workshop bilang paghahanda sa Literacy Month na gaganapin sa Nobyembre.
Pinangunahan ni Lois Joy Guinmapang, isang peryodistang nagtapos ng BS Journalism sa Unibersidad ng Pilipinas, ang News Writing Workshop. Itinuro niya ang mga pangunahing kaalaman at kasanayan sa peryodismo tulad ng pangangalap ng datos at pagsusulat ng balita.
Pinangasiwaan naman ni Mark Danier De Mayo, isang photojournalist sa online division ng Alto Broadcasting System-Chronicle Broadcasting Network (ABS-CBN), ang Photography Workshop kung saan tinalakay niya ang tamang pagkuha ng magagandang litrato. //ni Alex Yangco
Balitang K-2, naglunsad ng news writing at photography workshop
Sa kauna-unahang pagkakataon, lumahok sa isang news writing at photography workshop ang mga kasapi ng Balitang K-2 noong Oktubre 23 sa UPIS K-2 Building.
Dumalo ang 22 mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grado 2 sa isinagawang workshop bilang paghahanda sa Literacy Month na gaganapin sa Nobyembre.
BINABALITANG K-2. Tinatalakay ni Bb. Lois Joy Guinmapang sa mga miyembro ng Balitang K-2 ang tamang proseso sa pagsusulat ng balita. Photo credit: Geraldine Tingco
|
RULE OF THIRDS.
Ipinapakita ni G. Mark De Mayo ang konsepto ng “Rule of Thirds” sa mga batang manunulat ng Balitang K-2. Photo credit: Geraldine Tingco
|
0 comments: