carlos laderas,

Sports: Salazar iniuwi ang Rookie of the Year Award sa pagtatapos ng UAAP80

10/13/2017 07:55:00 PM Media Center 1 Comments



Hinirang na Rookie of the Year ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 80 ang Table Tennis player ng University of the Philippines Integrated School (UPIS) na si Zire Salazar.

Naipanalo ni Salazar ang mga dikdikang laban kontra Ateneo de Manila University (ADMU) sa parehong round ng buong season. Sa kabuuan, nakakuha siya ng walong sets mula sa iba’t ibang laban niya kabilang na ang sa ADMU, pati na rin ang sa De La Salle Zobel at National University.

Maliban sa intense training, ibinigay rin ni Salazar ang buong puso niya sa kanilang kampanya para sa season na ito.

“Masaya dahil na-fullfill ko ‘yung isa sa dream ng mentors ko since nag-start akong mag-table tennis.” pahayag ni Salazar. Ayon sa kanya, naging inspirasyon niya ang kaniyang mentors na nakatulong sa kanya sa paghahanda para sa mga laban.

Samantala, kinapos mang makakuha ng panalo ang boys’ team laban sa UE, NU, UST sa pare-parehong score na 3-0, sinubukan nilang bumawi sa Adamson University (AdU) at sa ADMU kung saan nakasungkit sila ng isang set, 3-1. Gayunpaman, hindi pa rin ito naging sapat para makakuha ng panalo.

Sa kabilang banda, hindi rin pinalad na makakuha ang girls’ team ng panalo sa score na 3-0 sa lahat ng kanilang laban.

SET-UP. Sa gitna ng matinding pokus at konsentrasyon, tinangkang pumuntos ng Senior na si James Ecito sa pamamagitan ng kanyang serve. Photo Credit: Raymund Creencia


Ayon sa kanilang coach na si Melvin Lava, naging mahalagang salik ang napaagang iskedyul ng kanilang mga laban, hindi naging sapat ang kanilang naging paghahanda dahil kinailangan nilang isiksik ang kanilang training program sa mas maikling panahon.

Sa pagtatapos ng kompetisyon parehong nasa ika-anim na pwesto ang UPIS Table Tennis Boys at Girls Team sa overall ranking ng nasabing kompetisyon. //nina Carlos Laderas at Maica Cabrera

You Might Also Like

1 comment: