arron baluyot,
Ito na naman tayo sa nakaugaliang paksa,
Kabanatang pangkaraniwan sa mga tulad kong dukha
Pahinang mas maiging ikubli sa madla,
Mga saloobing kinimkim at iniiwasang ipakita.
Dalisay na himig ay muli na namang nakatono,
Minimithing makapiling ang kathang-isip na mikropono.
Kaba’t pagkataranta ay muli na namang makaka-engkwentro,
Kasinungalingang ‘di magampanan ng pusong puro.
Sa muling pagkakataon, damdamin ko’y hahatulan,
Lumbay, selos, inis, kasiyahan
Ano pa mang pagsubok ang ibig mong malampasan,
Kakayanin ng kaloobang nais lang ang ‘yong kaligayahan.
Walang duda, kahit walang kakompetensya ‘di mo ako pipiliin,
Kaya’t kahit gustuhing ika’y mapasaakin, ‘di ko na lang nanaisin.
Iisa na lang ang aking hihilingin,
Mapansin sana ang pag-ibig kong mananatiling hanggang tingin.
Literary (Submission): Panibagong Akda, Makalumang Akda

0 comments: