filipino,
Kinakabahan.
Pusong hindi mapalagay, pilit pinapatahan
Ika'y hindi mapakali't pinagpapawisan
Natutuliro, panay ang pagsulyap sa orasan
Paano.
"Paano kung mauwi na lamang sa wala?"
Paulit-ulit na sinasambit
Isip ay napupuno ng pangamba,
Nangangambang ang sagot mo lang pala ay "Tama na."
Paano na ang mga binitawang salita?
Oras at pagod para sa iyo sa hangin na lamang napunta
Ngunit biglang lumitaw ang isang tanong sa aking isipan
Ang pinili mo’y ako nga ba?
Bakit.
Ibinigay na ang lahat,
Ngunit bakit hindi pa rin sapat?
Ngayo'y itatanong ko na sa iyo:
Ano pa ba ang nais ng iyong puso?
Saan.
Sa oras ay hindi naman nagkulang
Pagpapasensya sa 'yo ay sobra-sobra
Saan pa ba ako nagkamali?
Bakit tila ako pa rin ang bigo sa huli?
Sino.
Huwag kang magsinungaling
At ngayo'y sabihin mo sa akin
Sino sa ating dalawa ang totoo
Alam naman nating walang iba kundi ako
Kailan.
Hanggang kailan pa ba natin patatagalin ito?
Alam naman natin kung sino ang pipiliin mo
Sino pa ba?
Kundi ang sarili mo.
Literary: Sino’ng Pipiliin Mo?

0 comments: