filipino,
"’Wag ka nang mag-alala, aalagaan kita, pangako."
‘Yan ang mga salitang iyong sinambit noong nakita mo akong nahihirapan
"Nandito na ako, tahan na, poprotekhan kita, sumpa ko."
‘Yan ang mga katagang iniwan mo noong nakita mo akong pinagtutulungan
Kay ganda ng mga salitang iyong binitawan
Noong mga araw na ako ay nahihirapan
Aking kalooban pilit mong pinagagaan
Ang sarap sa pandinig
Sana ay lagi ko itong marinig
Mula sa iyong bibig
Makapamuhay-paruparo sa tiyan
Kakaiba sa pakiramdam
Sana ay magpatuloy ito magpakailanman
Pero bakit ganoon?
Sa paglipas ng panahon
Bakit hindi ko na maramdaman,
Ang mga salitang iyong binitawan?
Sa una lamang ba ang mga iyon?
Wala na bang laman ang mga salitang mo noon?
Sa akin na lang ba may kahulugan ang iyong mga tugon?
Hindi mo na ba itutuloy?
Ginawa mo akong basurahan
Bawat kalat mo, hinahagis mo kung saan
Hindi na naawa, inaapakan, dinuduraan,
Akala ko ba ako’y iyong aalagaan?
Usok ng iyong sigarilyo at sasakyan
Ang hanging aking nilalanghap
Pagod na ako at nagkakasakit
Sa mga bisyo mong paulit-ulit
Nakita mo na dati, hindi ba?
Mga bugbog at pasang aking tinamasa
Marami nang nagpapahirap sa akin,
Bakit mo pa dinagdagan?
Bakit ikaw mismo ang sumusugat sa akin?
Bakit mo pinuputol ang mga puno?
Dinudungisan ang dagat, mga bundok ay kinakalbo?
Akala ko ba ako’y poprotektahan mo?
Hindi ba ayaw mo akong nakikitang nasasaktan?
Bakit ikaw pa?
Bakit ikaw pa ang nananakit sa akin?
Bakit hindi mo panindigan ang sumpang iyong binitawan?
Sana ay hindi ka nangako
Kung ito lamang ay mapapako
Dahil umasa ako at nagmukha lang akong hangal.
Literary: Pangako

0 comments: