DiMaAninag,

Spoof Sports: Frisbee sa bubong, matutuloy pa kaya?

4/05/2019 08:20:00 PM Media Center 0 Comments



G na g. Handang-handa na ang apat na frisbee since 2016 para sa hindi matuloy-tuloy na UFC.
Photo credit: Soy Neil Texan

May posibilidad na namang hindi matuloy ang Ultimate Frisbee Competition (UFC) na dapat ay gaganapin sa bubong ng University of the Philippines Integrated School (UPIS) Gym sa Miyerkules, Abril 31, 2019.

Dati pang sinimulan ang pagplano para sa kompetisyong ito ngunit hindi ito kailanman natuloy. Sa katunayan, tatlong taon na ang nakalipas noong unang inilunsad dapat ito. Tatlong taon na ring handa ang mga frisbee doon sa bubong.

“Alam mo, ilang taon na akong puro pag-eensayo lang ang ginagawa. Mula 6 a.m. hanggang 10 p.m. naglalaro ako ng frisbee na mag-isa para mahasa ang aking kakayahan. Ilang beses na nga akong nagreklamo sa admin kasi nasasayang lang ang efforts ko eh hindi naman natutuloy yung competition,” sabi ni Jonathan Bernabe, team captain at kaisa-isang miyembro ng Frisbee Blue Bees.

Tumugon naman dito ang Health & PE Department, na nangunguna sa paghahanda ng UFC. Ayon sa kanilang head, “Hindi ito natuloy dahil matagal nang hindi mahanap-hanap ang mga ladders na gagamitin paakyat ng mga kalahok.”

May mga nagsasabing tinatago ng mga custodians ang ladders para sila lang ang makapaglaro ng frisbee sa bubong. Pinatibay itong ‘alleged accusation’ ng pahayag ng isang estudyanteng itatago na lang natin sa pangalang Mimi: “Ay ano po yun ano, nakita ko ho sila pagkatapos ng training. Eh gabing-gabi na nun. Nakakita ako ng lumilipad na bagay na akala ko ibon lang. Tapos tiningnan ko ulit, may mga hugis pa pala ng taong nagtatakbuhan sa bubong. Sumigaw ako nang napakalakas like ‘WAAAAH!!!!’ dahil akala ko multo ang mga nandoon. Pero naisip kong hindi naman pwede yun kasi wala namang horror stories na nangyari doon sa bubong eh. Puro sa Varsity CR lang at 4th floor.”

Sa ngayon, naglulunsad na ng imbestigasyon ang Admin upang malaman kung totoo ba ang sinasabi ng mga estudyante. Nangako naman sila na mananagot ang mga taong sanhi ng pagkaantala nito. Sisiguraduhin din nilang tuloy na tuloy ang event na ito sa Martes kahit na marami nang hindi nagtitiwala sa mga pangakong napako ng Admin. //nina Cedrik Kre-er at Erika Zazasawa

You Might Also Like

0 comments: